Apong wish ni Gov. Vi naudlot na naman
MANILA, Philippines - Maraming nanghihinayang na pinakawalan pa ni Jennylyn Mercado ang pagmamahal na inuukol sa kanya ni Luis “Lucky†Manzano. Tanggap na tanggap sana siya ng binata, kesehodang may anak pa sa iba at may disgusto sa ama ng bata na si Patrick Garcia. May nagbibiro pa nga na isa pa namang matabang isda si Lucky.
Hindi man magsalita ay baka nanghihinayang din si Gov. Vilma Santos-Recto dahil kung kelan malapit na sana siyang magka-apo ay hindi pala magkakatuluyan ang dalawa. Hindi kaya magka-phobia si Luis kapag manligaw uli sa kapwa artista?
Dennis happy na pinatikim ng matinong papel ni Direk Brillante
Walang beking kinahuhumalingan si Dennis Trillo sa bago niyang indie movie na Sapi. Brusko naman ang papel niya kasama sina Meryll Soriano at Baron Geisler.
Happy daw si Dennis dahil si Brillante “Dante†Mendoza ang director niya. At least, nakatikim siya ng matinong papel na puwedeng ipagmalaki.
Angel biglang mas Lalamig ang Pasko
Mas lalamig ang Paskong darating para kay Angel Locsin. Nagkahiwalay na kasi sila ni Phil Younghusband. Akala pa naman ng marami ay si Angel na ang forever inspiration ng star football player kaya’t ganado sa sunud-sunod na laro ng Azkals sa ibang bansa.
Seloso kaya si Phil kaya sila nagkahiwalay? O baka si Angel?
- Latest