Renz kaibigan lang ang turing kay LJ, walang chance ma-in love
Nasa week seven na ang romantic-comedy series na Prinsesa ng Buhay Ko pero marami pang natututunan si Renz Fernandez sa pagti-taÂping. Hindi naman niya first time na mag-taping ng show pero dito raw ay naku-korek ni Direk Dondon Santos ang mga mali niya, like ang parang sing-song na pag-deliver niya ng kanyang mga dialogue, dahil wala na siyang time para mag-workshop para rito.
Napansin din daw iyon ng inang si Lorna Tolentino na numero unong fan niya tuwing manonood ng soap ng trio nila nina Kris Bernal at Aljur Abrenica. Gusto man daw siyang turuan ng ina, hindi naman sila nagtatagpo sa bahay dahil magkaiba ang taping days nila. Ang mommy niya ay busy sa Genesis.
“Natuto rin po akong mag-power nap kapag hindi ako kasama sa eksena, para kahit umagahin ako sa taping, may energy pa rin,†kuwento pa ni Renz. “At magkakaroon ako ng change of character, kung masayahin ako palagi dahil love na love ko si Cess (Kris), matututo na akong magselos at mag-drama kapag nalaman kong ang sinasabi palang childhood sweetheart ni Nick (Aljur) ay si Cess.â€
Tinanong si Renz kung type rin niyang mag-join ng Cosmo Bash next year. Hindi raw niya alam, biro pa niya, hindi na siya tatangkad, pero depende raw iyon sa GMA at kung papayag ang manager niya.
Natanong din ang aktor kung may bago na ba siyang girlfriend dahil matagal-tagal na rin silang nag-break ni Maxene Magalona na ngayon ay may bago nang boyfriend. Biniro tuloy siyang single na ang kasama nila sa soap na si LJ Reyes. Pero reaksiyon ni Renz, wala pa raw siyang nakikitang bago. Hindi pa siya naghahanap dahil ini-enjoy niya ang work niya ngayon. And LJ daw is just a good friend.
Fans ni Julie Anne umaapela sa GMA
Umaapela ang fans ni Julie Anne San Jose sa GMA management na i-extend pa ang musical drama series na Kahit Nasaan Ka Man, na katambal nito si Kristoffer Martin. Sabi pa sa Twitter ng isang fan, unfair daw ang GMA sa kanila dahil kung hindi lamang kay Julie Anne ay hindi nila ito panonoorin.
Pero talagang for eight weeks lamang ang script ng soap at kahit ang executive producer at si Direk Gil Tejada ay wala pa ring alam kung mai-extend pa ang musika serye dahil nasa sixth week na sila.
- Latest