Halaga ng katapatan ibibida sa primetime TV
MANILA, Philippines - Gabi-gabi nang ipapaalaala sa buong sambayanan ang kahalagahan ng katapatan sa pamamagitan ng teleseryeng napapanahon, ang Honesto, na nagsimula na sa ABS-CBN kagabi.
Ang Honesto ay iikot sa istorya ng batang si Honesto (Raikko Mateo), ang bunga ng pagmamahalan nina Diego (Paulo Avelino) at Fina (Maricar Reyes). Dahil sa kakaibang katangian na taglay ng pamilya ng kanyang ina, namana ni Honesto ang pamumula ng kanyang ilong sa tuwing siya ay nagsisinungaling.
Paano paghihiwalayin at pagtatagpuin ng katotohanan ang mga pamilya at pusong nasaktan dahil sa kasinungalingan? Mabubura ba ng kabutihan at busilak na kalooban ang lahat ng kasakiman sa mundo?
Pagbibidahan ito ng award-winning and seasoned actors tulad nina Paulo, Eddie Garcia, Janice de Belen, Angel Aquino, Nonie Buencamino, Joel Torre, Melissa Ricks, at Joseph Marco. Ipinakikilala rin ang pinakabagong Kapamilya child star na si Raikko.
Kukumpleto sa powerhouse cast nito sina Malou Crisologo, Melai Cantiveros, Jason Francisco, Michael Conan, Josh Ivan Morales, at Janna AgonÂcillo. Kasama rin sina Maricar at Spanky Manikan para sa kanilang natatanging pagganap.
Ang Honesto ay sa ilalim ng direksiyon nina Jerry Lopez Sineneng at Darnel Joy Villaflor. Ito ay ang pinakabagong obra ng Dreamscape, ang grupong lumikha ng matagumpay na inspirational drama series na May Bukas Pa at 100 Days to Heaven, phenomenal teleseryeng Walang Hanggan, at ng malapit nang magtapos na Juan dela Cruz.
Nagsimula na kamakailan sa social media ang panawagan para sa katapatan sa pamamagitan ng pagkuha ng mga litrato ng iba’t ibang personalidad na naka-pose katulad ni Honesto at pag-post nito sa Facebook fan page ng programa sa Facebook.com/Honesto.TV. Ang mga manonood na nais sumuporta sa panawagan ni Honesto ay maaaring makisama sa nasabing kampanya.
Huwag palampasin ang pagsisimula ng kuwentong tapat at totoo ngayong Lunes na pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida.
Para sa mga eksklusibong impormasyon, pictures, at videos ay mag-log on sa official social media accounts ng Honesto sa http://facebook.com/Honesto.TV at www.twitter.com/Honesto_TV.
- Latest