^

Pang Movies

‘It was a management decision’ Janice ngiti lang ang kapalit sa pagkakatsugi ni Charlene

- Vinia Vivar - Pang-masa

Napangiti na lang si Janice de Belen nang intrigahin sila ni Charlene Gonzalez na pinalitan niya sa The Buzz na ngayon ay Buzz ng Bayan na.

May kaunting koneksiyon nga naman kasi si Charlene ay asawa ni Aga Muhlach na ex-boyfriend ni Janice at ama ng panganay niyang si Iggi Boy Muhlach.

As we all know, nang alisin ang The Buzz sa ere at palitan ng Buzz ng Bayan, hindi na kasama sina Toni Gonzaga at Charlene sa hosts at sina Janice and Carmina Villaroel nga ang inilagay bilang co-host ni Boy Abunda.

Pero, ayon kay Janice, huwag nang intrigahin pa ang mga nangyari dahil management decision naman ito at wala silang kinalaman ni Carmina.

“Isa naman talaga ’yan sa concerns namin when it was offered to us. But then kinausap kami at maayos naman na na-explain sa amin. Siyempre, ang importante lang naman talaga, ’yung wala kang matatapakan. And I’m sure rin naman na may mapupuntahan naman (sina Charlene and Toni),” paliwanag ni Janice.

Nagkausap pa ba sila nina Toni and Charlene tungkol dito?

“Hindi naman kasi feeling ko, management naman ang dapat na kumausap sa kanila. Hindi naman namin place ’yun. It was a management decision,” she said.

Wala talaga silang problema ni Charlene?

Natawa siya.

“Mang-intriga talaga? Wala. Wala namang problema,” sagot ng aktres.

Kasama si Janice sa bagong serye ng ABS-CBN na Honesto na incidentally ay magsisimula na ngayong gabi, Lunes, pagkatapos ng TV Patrol.

Andrea ngayon lang bininyagan

Last Oct. 19 ay bininyagan si Andrea Brillantes sa Divine Mercy Chapel in Quezon City. Ten years old na ang child actress na bida ng Anna Liza at ngayon lang siya nabinyagan bilang Katoliko because magkaiba ng relihiyon ang kanyang ama at ina.

Bongga ang binyag dahil present ang mga ABS-CBN executives na tumayong ninong at ninang tulad nina ABS-CBN Broadcast head Cory Vidanes, TV Production head Laurenti Dyogi, and Business Unit Head Ruel Bayani.   

Kasama rin sa godparents sina Cathy Valencia, Joel Cruz, at ang kanyang manager na si Becky Aguila represented by her daughter, Katrina.

Dumalo rin ang halos lahat ng co-stars niya sa Anna Liza na sina Zanjoe Marudo, Patrick Garcia, Carlo Aquino, Kaye Abad, Denise Laurel, and Wendy Tabusalla.

Masayang-masaya ang bagets sa magagandang pangyayari ngayon sa kanyang buhay lalung-lalo na nga ang pagkakabigay sa kanya ng oportunidad na gumanap as lead sa Anna Liza at sa pamamayagpag nito sa ratings.

Maging ang manager niyang si Tita Becky ay masayang-masaya for her at wish niya na magtuluy-tuloy ang suwerte ng bagets lalo pa nga’t breadwinner ito ng pamilya.

Angel at Maja expected nang magpapalitan ng maaanghang na salita

Maganda ang teaser ng upcoming drama series ng Star TV of ABS-CBN headed by Malou Santos na Legal Wife starring Angel Locsin, Maja Salvador, JC de Vera, and Jericho Rosales.

Kakaibang serye naman ito dahil tatalakay naman sa legal wife and mistress at challenging ang role ng apat na main cast. Bukod dito, first time nilang nagkatrabaho lahat at ito rin ang first ever soap ni JC bilang Kapamilya.

Sa kuwento, si Angel ang gaganap na legal wife habang si Maja naman ang mistress. So, expect na magkakaroon ng maanghang na palitan ng mga salita at punchlines ang dalawang aktres.

Ang maganda sa serye, lahat ng apat na main cast ay pawang magagaling na artista and award winners at that. At napakasarap yatang manood ng isang serye na lahat ng aktor ay mahuhusay umarte.

Abangan ang Legal Wife dahil nakatakda na itong umere ngayong Nobyembre.

       

 

vuukle comment

AGA MUHLACH

ANDREA BRILLANTES

ANNA LIZA

CHARLENE

JANICE

LEGAL WIFE

NAMAN

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with