Meryll nakakaarte kahit walang script si Direk Brillante
Sa presscon ng Sapi napuna ng entertainment press na ibang-iba nang magsalita si Meryll SoriaÂno ng Ingles. Iba na ang diction at pagbikas ng salita. Para nga siyang banyagang aktres.
Siguro dala ito ng pag-aaral niya sa London.
Samanatala, nabanggit na aktres na nag-enjoy siya sa syuting ng Sapi kung saan sinabing wala silang script kay Direk Brillante Mendoza pero maliwanag ang mga instruction nito kaya nailarawan ang karakter na ginampanan bilang news reporter.
‘‘I love Direk Brillante and we trust each other kaya nakaarte akong mabuti. Kahit walang script kailangan kapag dumating sa set ay preparado ka na. Tahimik lang ang kasama kong si Dennis Trillo pero maganda ang working relationship namin,’’ aniya.
Magaling ding umarte si Meryll kung saan naging international excellence awardee ito sa 2011 Gawad Genio Award para sa pelikulang Donor. Naging Best Actress nominee ito sa Gawad Urian noong ding taong iyon para sa Donor din.
Lovi nadi-drain sa kakaiyak
Hindi namin pinalalampas na panoorin ang Akin Pa Rin ang Bukas kung saan bida si Lovi Poe. Bilang si Lovelia Villacorta wala na yata itong ginawa kundi ang umiyak nang umiyak dahil sa rami ng pinagdadaanang problema kahit ngayong nag-asawa na dahil mahirap din si Rocco Nacino.
Inamin naman ng aktres na emotionally drain siya dahil sa sobrang pag-iyak pero tinatanggap niya itong challenge at magagawa pa ang madadramang eksena.
Kontrabida niya si Charee Pineda na gumaganap na Agatha na siyang nagpapahirap kay Lovi. Pinakasalan niya ang among si Gary Estrada para makaahon sa hirap at makamit ang matayog na ambisyon.
- Latest