Aktres na hindi masyadong sikat walang respeto sa may edad, pinalayas sa dressing room
Kahit isang dressing room ang reserved sa mga aktres ng isang teleserye, ayaw pa rin ng isang prima donna na maki-share sa kanyang mga co-stars. Hindi siya bumaba sa kanyang kotse, hanggang hindi umalis doon ang isang mahusay na aktres.
Nagkaroon na ng incident na pati sa waiting room, pinalayas niya ang kapwa artista. Walang respeto sa kanyang mga katrabaho, lalo na sa mga higit na may edad at maraming achievement sa kanya.
Ang hiling ng kanyang mga kasamahan, siya naman ang palayasin bigla sa show. Madali naman matitigbak ang character niya sa istorya at tiyak na hindi naman ito nakakaapekto sa rating. Mas laos pa kasi siya sa mga artistang binabastos niya!
Mga bagong kanta ni Ka Freddie hinihintay na
Sumagot na si Freddie Aguilar sa demandang seduction sa kanya na napa-file ng isang abogado, na diumano’y naiskandalo sa controversial affair ng multi-awarded singer with a 16-year-old lass. Lalo sigurong nagwala ang iba kung sex video ang kumalat tungkol sa dalawa!
‘‘Wala naman humihingi ng tulong, bakit maraming gustong magbigay ng tulong,’’ protesta ng PMPC Star Awards for Music Lifetime Achievement awardee.
Ang simpleng pagtanggap niya ng nasabing paÂrangal, with the underaged beauty, naging national issue bigla. Sabi nga ni Ka Freddie, higit na maraÂming mga problema ang ating bansa, na dapat pagtuunan ng pansin.
Ang hinihintay namin ngayon, mga bagong kanta ni Ka Freddie, after the incident. Tiyak mga bago ang tema at tunog nito.
Nonito Donaire magbibida sa bagong version ng Visayan movie, Pacman inisNab
Magkakaroon ng contemporary version ang classic hit Visayan movie na Paslad Ta Ang Magbuot, directed by Dandin Ranillo.
Ang bida sa original ay ang mother ni Dandin, the former queen of Visayan movies na si Gloria Sevilla at ang former boxing champ na si Flash Elorde.
Sa bagong pelikula, si Nonito Donaire ang bida, with Gloria as his grandmother.
Bakit kaya hindi si Rep. Manny Pacquiao ang kinuhang bida, na higit na maraming fans at Bisaya din naman? Puwedeng sobrang abala sa kanyang probinsiyang Saranggani o kaya’y mataas ang asking price.
Aurelio Solito nanalo sa tulong ng mga Katutubo
Hiningan ng tulong ni Kanakan Balintagos (tribal name si Aurelio Solito) ang Ampuhn (the weaver of the universe) upang magwagi siya sa imagiNATIVEFilm-Media production award. Nagulat ang Pinoy filmmaker nang tawagin ang kanyang pangalan para sa karangalan.
Fil/AM guys nagpapapansin sa media para magka-career
Lahat ng paraan, ginagawa ng mga gustong mapansin ng media at makapasok sa showbiz. Merong isang grupo ng mga Fil/Am guys na nag-produce ng sariling video na nagpapakita sa kanila doing all sorts of odd jobs.
Nagtitinda sila ng buko juice at iba pa sa malamig sa kariton. Ang iba nagÂlalako ng balut. Merong mga nag-pedicab driver sa siksikang kalye ng Metro Manila.
Meron naman kayang mga producers na pumansin sa kanila at bigyan sila ng trabaho sa Pinoy entertainment scene? Marami pa tayong mga kababayan na may sapat na talento, pero hindi mabigyan ng break .
Sa pag-build up ng mga bagong artista, pumapasok din naman ang colonial mentality, pati na sa audience na tumatangkilik sa mga bagong salta.
Kung tipong tisoy, agad tinatangkilik ng masa.
Puwet ni Derek mas sexy kay Mr. Bean
Tiyak higit na sexy ang puwet ni Derek Ramsay kay Rowan Atkinson, kaya sobra naman ang reaction ng Movie Television Regulation and Classification Board o MTRCB na tanungin ang ABS-CBN sa pagpapalabas ng episode ng Mr. Bean sa tagal ng exposure ng controversial buttocks!
Sabi nila, may punto naman ang Censors na bigyan ng distinction ang comedy sa kalaswaan.
- Latest