^

Pang Movies

Maegan walang panahon sa mga nag-aakusa sa kanyang tatay

REBYUWER KIBITZER - Jhi D. Gopez - Pang-masa

Sari-saring batikos man ang inaabot ni Freddie Aguilar, at tiyak ganun din ang kanyang bagets na labidabs, ay lagi namang to the rescue si Maegan Aguilar. Katulad ng ama, moderno rin ang pananaw sa buhay ng multi-talented musician na anak. At kilala siyang palaban sa maraming bagay.

Agad nagpaunlak si Maegan nang mahingian ng pahayag na idinaan sa Facebook.

“I still say it’s their business... kung ang girl ay may ibang motibo sa pagsama niya ke tatay, hindi ko na isyu yun, at lalong hindi na yun isyu ng iba na lalong walang kinalaman or koneksyon sa amin... let them enjoy their relationship, sa panahon ngayon bibihira na ang maligaya sa love life, so mas dapat sana, na maging happy tayo for those who find happiness,” paunang sabi ng panganay ni Ka Freddie.

Natanong ko rin kung wala ba siyang nakikitang disadvantages, sa kanyang ama man o sa kanya mismo, mula nang nalantad na ang kontrobersiyal na relasyon ng veteran folk singer?

 â€œWala akong panahong tumingin sa mga negatibong bagay. At ang malisya o masamang tingin ng iba sa akin o kay tatay ay hinding hindi naman makakaapekto sa amin. Hindi kami mababaw sa pag-iisip, mataas ang kaalaman namin sa buhay kaya bahala na yung mga walang magawa jan sa paligid, basta kami maunlad at mapayapa ang buhay at hindi kami magkakagalit sa pamilya, ‘we are one’ kumbaga, and that’s what our whole country lacks. Mas pinipili nyo ang away at lokohan kesa sa pagkakasunduan. Hindi kami ganyan,” sagot ni Maegan, ang unang Anak sa anim na kinakalingang mag-isa ni Ka Freddie.

Dahil sa inspirado ang kanyang Tatay Freddie, makagawa na kaya siya ng mga materyales para sa bagong album? Matagal-tagal na kasi ang huli niyang ginawang The Best… album.

At pati nga si Maegan ay 1998 pa ang ikalawang album na Burst. Hindi na nasundan kahit tumutugtog siya kasama ng mga kapatid sa bar gigs at malalaking music fest paminsan-minsan.

“May mga latest na independent release si Tatay, mabibili lang exclusive sa Ka Freddie’s Bar sa Tomas Morato. May album ng love songs, environmental songs, and The Best of Freddie Aguilar compilation,” update ni Maegan.

“Ako naman next year na gagawa ng album at mag-full time ulit sa gigs kasi sa ngayon I’m 7 months pregnant, di pa pwede tumodo masyado sa raket. :)”

Bagong concert hub bibinyagan ni Yeng

Ano kaya ang meron sa Metric, ang Canadian synth-indie pop group na hindi naman kilala sa Pilipinas, at naisip ng SM Aura Premier sa Taguig City na kunin sila at unang-una pa na foreign artist na magpe-perform sa bagung-bago na Samsung Hall ng mall?

Nagulat ako nang makita ko na ipinamimigay ang flyers ng kanilang concert sa cinema ticket booth sa Mall of Asia may isang buwan na ang nakararaan. At ang presyo ng ticket - P3,500 at P2,650. Ewan ko lang kung marami na ang bumili sa napakaagang promosyon dahil sa Dec. 5 pa naman ang concert, handog ng Pulp Live World.

Ang female-led na Metric ang makakaunang foreign band sa “dome-shaped, state-of-the-art, 1,000-seat event hall” daw ng SM Aura Premier. Pero sa isang banda, dahil high-end market ang inaasahan sa nasabing mall sa loob ng Bonifacio Global City (BGC), ay baka madaling mabenta ang mga tiket. Mahal lang naman ito sa mga masa pero hindi para sa mga nakatira sa kalapit na Serendra at iba pang condo sa paligid ng BGC at The Fort. Isama pa ang mga gustong makiusyoso na taga-Makati City. Siyempre wala pa silang bagong concert venue.

Pero heto ang nasagap ko nang tawagan ang Customer Care ng mall chain, opisyal pa lang na magbubukas ang Samsung Hall sa Sabado, Oct. 26. At bago ang Metric ay mauuna ang ating local pop rock diva na si Yeng Constantino sa Nov. 30 dahil suportado ng SM Ticketnet ang kanyang birthday concert. Mabi­binyagan niya ang bagung-bagong concert hub!

Kung sa mapepera rin lang ay maaari talagang sugurin ang Samsung Hall para makauna sa ipinagmamalaking event hall ng SM Aura, kahit hindi para kay Yeng o sa Metric ang ipinunta.

***

May ipare-rebyu? E-mail: [email protected]

 

 

vuukle comment

AURA PREMIER

BEST OF FREDDIE AGUILAR

BONIFACIO GLOBAL CITY

CUSTOMER CARE

KA FREDDIE

MAEGAN

SAMSUNG HALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with