^

Pang Movies

Dennis sinagot na ang pagkakadawit kina Cristine at Jennylyn!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Dinaan na lamang sa pagbibiro ni Dennis Trillo ang sagot sa pangungulit ng mga entertainment press sa issue na siya raw and reason ng break-up ng da­lawa niyang dating girlfriends, sina Cristine Reyes at si Jennylyn Mercado, dahil nakita raw siya na nakipag-date sa dalawang ex-gf, sa presscon ng bago niyang indie film, ang Sapi na dinirek ni Brillante Mendoza for Centerstage Productions.

“Wala akong kinalaman sa break-up nila, bakit ako, sa totoo lang, kung may problema sila, huwag na nila akong idamay, tahimik ako, masaya na ako sa kung ano nangyari sa career ko. Lalaki na nga ang inaatupag ko, iyon pa rin ang nakukuha kong ba­lita,” nagtatawang wika pa ni Dennis. “Wala na akong communications sa kanila, lahat ng mga nakaraan ko, tinigilan ko na, hindi ko na lamang pinapansin, natatawa na lamang ako. Bakit kaila­ngan pa akong madawit sa mga ganyang problema?”

Wala ba siya talagang dini-date nga­yon?

“Wala, at siguro na­­ka­tulong sa akin ang pagi­ging single ko kaya naka-focused ako talaga sa role ko as the gay Eric sa My Husband’s Lo­ver. Sa­bihin na lamang na­ting ayaw ko na muling magka­mali, hanggang hindi ko nakikita ang sigurado kong ma­ma­ha­lin, ayaw ko munang sumugal ulit. At isa lamang ang wish ko, sana hindi na siya artista.”

Matagal-tagal na ring natapos ni Dennis ang shooting ng Sapi, pero hanggang ngayon hindi pa rin niya malimutan ang first day shooting nila na wala silang script, hindi niya alam kung ano ang eksena, maliban sa instructions ni Direk, kung ano ang sasabihin niya. Alam lamang ni Dennis isa siyang reporter sa isa sa competing network.

“Feeling ko noon, hindi ako marunong umarte, tatanga-tanga ako at alam kong hindi ako naka-deli­ver. Pero sinadya pala iyon ni Direk Brillante, gusto niyang ma-capture ang lahat ng acting namin dahil para sa kanya, hindi kami mga artista, kami iyong mga characters na ginagampanan namin. Kaya hindi ko talaga makakalimutan itong Sapi, na first horror-suspense thriller movie pala ni Direk Brillante. It’s an honor for me na maka­trabaho siya at hindi ako nagkamali na tumatak sa isip ko nang tanggapin ko ang offer niya, na tinalo ng movie niyang Kinatay ang mahuhusay na director na tulad nina Tarantino at Ang Lee.”

For his role na reporter na nag-co­ver ng mga sinasa­pian, nagkaroon ng immersion, re­­­­­­search at interviews sina Dennis, ga­noon din ang mga kasama niya, sina Meryll Soria­no, Baron Geisler, at marami pang iba. Naipalabas na ang Sapi sa international film festivals, sa Busan, South Korea; Sitges in Spain; Rio de Janeiro, Brazil; Toronto, Canada, at sa Asian Pacific at Brisbane, Australia.

Sa November 5 ang celebrity premiere night at 5:00 p.m. sa SM Megamall Cinema 7 at sa November 6 ang showing in all SM Cinemas.

vuukle comment

AKO

ANG LEE

ASIAN PACIFIC

DIREK BRILLANTE

SAPI

SHY

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with