Yasmien Kurdi magre-review ng dessert places
MANILA, Philippines - Ngayong Martes, Oct. 22, pang-apat na ang Pop Talk Christmas Countdown na sa loob ng 12 Tuesdays ay magre-review ang Pop Talk ng mga pagkain, pasyalan, pang-regalo, party venues, shopping area, at iba pang mga bagay na pop na pop sa pagdiriwang ng pinakamahabang Christmas season sa buong mundo!
Kung ang isang taon ay isang 12-course meal, ang Disyembre na marahil ang dessert dahil sa panahong ito, usung-usong kumain ng matatamis! Kaya naman naghanap ang Pop Talk ng tatlong dessert places na puwedeng maging source ng cakes, pastries, at iba pang sweets na ihahain sa mga bisita o kaya’y ipangreregalo ngayong Pasko. Alin kaya sa mga ito ang pop o flop?
Ang dessert places na kikilatisin ng reviewers ay ang Chez Karine sa Bonifacio Global City sa Taguig City; ang Nic’s Gourmet Desserts sa San Juan City; at ang Classic Confections sa Pasig City. Makakasama ni Kuya Tonipet Gaba sa pagrerebyu ang guest reviewers na sina Jill Sandique, isang kilalang pastry chef; Kirk Steven Ngo, ang baker at owner ng Fetboys na isang online shop ng cakes at pastries; at ang Kapuso homegrown artist na si Yasmien Kurdi. Huhusgahan nila ang tatlong party venues base sa criteria na food, place, at price.
Puwede pang manalo ng gadgets sa Pop Talk Selfie promo. Manood at bisitahin ang Pop Talk Facebook page para sa mechanics. Super tamis ang Pasko sa episode na Pop Talk: Dessert Places, Oct. 22, 10 p.m., sa GMA News TV.
- Latest
- Trending