^

Pang Movies

Award ni Ka Freddie nasapawan ng bubot na dyowa

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Nasapawan ang Lifetime Achievement Award para kay Ka Freddie Aguilar mula sa PMPC Star Awards for Music nang pagdadala niya ng 16-year-old girlfriend sa okasyon.

Pati ang mga artist na more than 60 years old na, nagulat at nainggit sa singer/composer.

Please huwag muna nating husgahan agad si Ka Freddie. Malay ba natin kung taga-Tanauan lang siya sa menor de edad. Masaya na ang musical artist sa mga sulyap at holding hands.

Pangako kasi ni Ka Freddie, pakakasalan niya ang nobya after two years. By that time 18 years old na ang girl pero kailangan pa rin ng parental consent para makasal ng legal.

This season, inaasahan naman natin na maraming maisusulat na love songs si Ka Freddie.

Programa ni Jessica nag-iisang finalist sa educational contest sa Japan

Finalist ang Brigada hosted by Jessica Soho sa GMA 7 sa prestigious na Japan Prize, isang international contest for educational media.

Ang programa ang nag-iisang nominee mula sa ating bansa at nagkapalad pang maging finalist nito ang Sipa ng Pag-asa (Kicks of Hope). Makakalaban ng Brigada ang finalists from Canada, Columbia, Czech Republic, Germany, Israel, Taiwan, at United Kingdom.

Sa Oct. 24 ang awarding ceremonies in Tokyo, Japan.

Isandosenang pelikula ni Lav Diaz ipinalalabas sa Brazil

Isang retrospective showing ng 12 pelikula ni Lav Diaz ang ongoing sa 37th Mostra International Film Festival in Sao Paolo, Brazil.

Ang karangalang ito ay ipinagkaloob din kina Stanley Kubrick ng USA at Eduardo Coutinho of Brazil. Hanggang Oct. 31 pa ang pagtatanghal ng mga piling pelikula ng tatlong well-acclaimed international filmmakers.

Naglahong laplapan ng TomDen hinahanap

Parehong nahirapan sa passionate kissing scene sa finale ng My Husband’s Lover kaya nalungkot ang dalawa na hindi ito naipalabas sa TV.

Ang sabi ni Tom Rodriguez, wala naman silang control sa mga ganitong desisyon ni Dennis Trillo.

Kahit naglaho ang inabangang laplapan, tuloy pa rin ang mga papuri sa mahusay na pagganap ng aktor at ng kanyang katambal na si Dennis.

Saan kaya maaaring makahiram ng kopya ng footage ng nawalang kissing scene? Tiyak kahit magkano bibilhin ito ng mayayamang baklesh!

Fund-raising concert nina Cesar at Noel tuloy na sa Biyernes, Sunshine inaabangan kung tutulong

Matutuloy ang fund-raising concert para sa mga biktima ng lindol sa Bohol at Cebu on Oct. 25, sa Tea­trino, Greenhills, San Juan City.

Sina Cesar Montano at Noel Cabangon ang mga pasimuno sa palabas upang makalikom ng mga maitutulong sa nasalanta ng sakuna. Mula 8 p.m. ang show, kaya’t maaari nang dumating ang mga artist na gustong tumulong at mga manonood na susuporta. Tiyak na magtatagal ang show lampas ng alas-dose ng hatinggabi.

Inaabangan kung darating si Mrs. Cesar Montano upang tumulong.

BRIGADA

CZECH REPUBLIC

DENNIS TRILLO

EDUARDO COUTINHO OF BRAZIL

HANGGANG OCT

KA FREDDIE

LAV DIAZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with