Gelli sawa na sa awayan sa ere
Tuwang-tuwa si Gelli de Belen dahil hindi na replay ang napapanood sa Kapatid show kasi may Face the People na. Dahil may bagong show si Gelli na katulad din ng Face to Face, masaya na ang aktres kasi may bago siyang pagkakaabalahan.
Bagong porma ang show, wala nang eksena ng nag-aaway, walang B1-B2, at walang Trio Tagapayo. Ganado si Gelli sa Face the People dahil kumbaga sa damit, bagong tahi at siya ang may-ari.
Star Awards for Music, tagumpay!
Salamat at very successful ang 5th Star Awards for Music ng Philippine Movie Press Club headed by pangulong Fernan (Ms. F) Guzman. Grabe ang audience!
Ginanap sa Solaire Resort & Casino na napakagandang venue ang nasabing awards night. Ang mga host ay sina Billy Crawford, KC Concepcion, Xian Lim, and Erich Gonzales at produced ang show nina Jun and Tess Celestino Howard ng Airtime Marketing Phils. Inc. Ang ganda ng naging takbo ng awards night sa direksiyon ni Al Quinn, floor director Arnel Trinidad, head writer Zenedy Que, at casting director Ma Esguerra.
Wala pa ring kupas ang ama ng Anak — si Freddie Aguilar — na siyang tumanggap ng Lifetime Achievement Award sa Star Awards for Music.
Congrats sa PMPC officials and members dahil maayos ang buong event!
- Latest