^

Pang Movies

Aktor na sikat gusto nang pakasalan ng baklang dyowa!

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Nag-aambisyon nang pakasalan ng rich beki ang kanyang “first lady” (No. 1 sa listahan ng kanyang mga handsome lover) pagkatapos ng wedding nina Jun Lana at Perci Intalan sa harap ng Bethesda Fountain sa Central Park, New York with complete media coverage.

Kaya lang dapat ilihim nila ang seremonya kaya hindi puwede sa isang place sa public sa Central Park, NYC. Masisira ang showbiz career ng pogi, halos lahat ng showbiz insiders ay alam ang kanilang affair.

Puwede namang simplehan lang kapag may show doon ang actor. Maaari ang kasalan sa isang private room na silang tatlo lang ng legal wedding officer ang makakaalam. Hndi naman kaya magprotesta ang marami pang kabit ng baklesh?

Sarah nakikita na magiging ulirang misis after 10 years

Ang Perfect 10 na si Sarah Geronimo, alam na kung ano ang mangyayari sa kanya, 10 years from now. Nakikita niya ang sarili na isa ng ulirang ginang ng tahanan, sa edad na 35!

Tulad ng mga pangkaraniwang babae, gusto ni Sarah ang maging ideal wife and mother. After a decade, she has already settled with the man she loves. Sana kung magpapakasal ka, sa edad na hindi ka pa mahihirapang magka-anak o manganak.

Every Sarah G. live concert has always been a sell-out affair. Ngayon ubos na ang tickets sa first show ng Perfect 10 anniversary concert at the Smart Araneta Coliseum. Available na ang tickets for the SM Mall of Asia Arena show on Nov. 30.

Bilisan ninyo ang pagbili at hindi na magri-repeat ang Viva Concerts sa Metro Manila. Sa Cebu na ang sunod sa December 7.

Miriam at fiancé pinairal ang sinaunang proposal

Uso pa pala ang mga old-fashioned love story tulad ng kina Miriam Quiambao at ang kanyang fiancé na si Ardy Ro­berto. Nangyari ang marriage proposal habang naglalakad sila sa Bonifacio Global City sa Taguig City.

Habang namamasyal pala sila, patagong sumusunod ang ilang close friends.

Nag-propose si Ardy na agad tinanggap ni Miriam. Napaluhod sila sa lupa upang magpasalamat sa Diyos. Ang mga kaibigan naman, nagpalakpakan!

Tila bahagi ng isang Korean telenovela.

Aktor hindi kinampihan ng network kaya nag-alsa balutan

Kaya biglang lumipat ng network ang isang aktor ay dahil sa away niya sa crew ng isang TV show. Nagbigay ng ultimatum ang artista kung sino ang kakampihan ng management, ang mga TV worker o siya?

Nabigo sa kanyang akala ang actor, kaya biglang nag-alsa balutan. Say ng mga kasama sa show, sobrang demanding ang artista at nagsisisigaw kahit konting pagkakamali ng kanyang mga kasama.

Aktres na gumanap sa remake ng Carrie hindi pinanood ang original film

Si Chloe Grace Moretz ang gumanap ng title role sa remake ng Carrie, originally portrayed by Oscar winner Sissy Spacey and directed by Brian de Palma, the master of suspense and horror films.

Upang mabigyan ng sariling version ang iconic role from Stephen King’s novel, hindi pinanood ni Chloe ang original film version. Siyempre intact ang very memorable prom sequence, na naghiganti si Carrie through her telekinetic power.

Aga at Lea sa iisang gym nagpapapayat para sa kanilang movie reunion

Kahit pala nawala na ang 23 lbs. sa matiyagang workout ni Aga Muhlach, kailangan pang mabawasan siya ng another 20 lbs. para marating ang ideal weight.

Desidido ang actor na magpapayat to get ready for the third teamup with Lea Salonga. Pawang mga blockbuster ang nauna nilang mga pelikulang Bakit Labis Kitang Mahal at Sana Maulit Muli.

Magkapitbahay sila ng acclaimed international star kaya sa parehong gym ang kanilang workout. Madalas napag-uusapan nila ang posibilidad na mag­katambal muli sa isang romantic comedy.

Naghihintay sila ng tamang script, habang tuloy ang slimming program nina Aga at Lea.

 

AGA MUHLACH

ANG PERFECT

ARDY RO

BAKIT LABIS KITANG MAHAL

CENTRAL PARK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with