^

Pang Movies

2 Balikbayan sinimangutan ng supladang aktres nang magpa-picture

FREELANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Ayon sa isang talent coordinator, may dalawan g balikbayan siyang fans ng isang sikat at magandang aktres. Pina­kiusapan siyang samahan sa taping ng aktres dahil idolo nila ito. Lahat ng pelikula at serye ng aktres ay ’di nila pinalalagpas.

Dumating ang balikbayan at sinamahan siya ng talent coordinator sa taping ng aktres. Excited na silang magpakuha ng pictures at makipagkuwentuhan sandali sa aktres dahil taping break naman.

Nakipag-usap ang talent coordinator na harapin ang bisita niyang dalawang balikbayan. Nahalata nila na pilit ang ngiti ng aktres na pumayag namang makipag-picture-taking sa kanila.

Nang tumalikod na ang aktres para pumunta sa dressing room niya ay nakita ng isang balikbayan na sumimangot ito. Nainis ang balikbayan at hindi sukat akalain na ganun pala ang ugali ng idolo nilang aktres.

Nang bumalik sa Amerika ay pinaputol na lang ang Pinoy TV nila at ayaw nang mapanood ang iniidolo sana nilang aktres na suplada pala sa tunay na buhay.

Carla pinanood ng lola, fan din ng tomden

Nakita namin at nakausap ang lola ni Carla Abellana na isang dating aktres ng LVN Pictures. Maganda pa rin siya sa kabila ng kanyang edad na otsenta y tres anyos. Pero malakas pa rin siya at matalas pa ang isipan.

Ayon kay Delia, nagko-crossword puzzle pa siya everyday at uma-attend ng workout o ballroom dancing weekly para maging masigla ang katawan.

Enjoy siya sa panonood ng My Husband’s Lover concert nung Sabado. Aside from Carla ay fan din siya ng tambalan nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez.

Nalulungkot nga siya sa pagtatapos ng teleserye na aniya’y kapupulutan talaga ng mahalagang aral.

Kami man ay nag-enjoy sa concert at isa ito sa nakakaaliw na concert na napanood namin. Kahit nga si General Armando o Roi Vinzon ay magaling din palang kumanta.

 

vuukle comment

AKTRES

AYON

CARLA

CARLA ABELLANA

DENNIS TRILLO

GENERAL ARMANDO

MY HUSBAND

NANG

ROI VINZON

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with