^

Pang Movies

Daniel nanginginig sa sakit na ilang araw na, overworked na sa trabaho

- Vinia Vivar - Pang-masa

Matagumpay na idinaos ng Philippine Mo­vie Press Club (PMPC) ang 5th Star Awards for Music sa isang maningning, mabituin, at makulay na gabing nilahukan ng mga Alagad ng Musika sa Grand Ballroom ng Solaire Resort & Casino noong Linggo ng gabi, Oktubre 13. 

Pinatunayan ni Sarah Ge­ronimo na siya ang kara­pat-dapat tanghaling female recording artist of the year, samantalang sinungkit ni Jed Madela ang male recording artist of the year award.

Ipi­nagkaloob naman sa Sa Isang Sulyap Mo ng 1:43 ang song of the year at ang album of the year ay kinuha ng Mga Kuwento ng Makata ni Gloc 9. 

Nagsilbing hosts sina KC Concepcion, Xian Lim, Erich Gonzales, at Billy Craw­ford. Naging madamdamin ang tribute na ipinagkaloob sa lifetime achievement awardee na si Freddie Aguilar dahil sa makapanindig-balahibong awi­ting ipinagkaloob ng Final Four of the Voice of the Philippines na sina Myk, Janice, Klarisse, and Mitoy na sinamahan pa ng mismong awardee na si Ka Freddie.

Hindi naman nagpatalbog sina Erik Santos, Sam Concepcion, Rhada, Angeline Quinto, at Vina Morales sa kanilang tribute sa Icons of Original Pilipino Music na sina Imelda Papin, Rey Valera, Rico J. Puno, Dulce, Vic Sotto, at Sampaguita.
Tinanghal na male star of the night si Bryan Termulo at si KC ang female star of the night. Nayanig naman ang buong Grand Ballroom sa special na musical number mula sa Pop Princess na si Sarah Geronimo dahil sa rami ng mga tagahanga niyang present ng gabing iyon. 

Pero hindi rin naman nagpatalbog si Daniel Padilla na nagwagi ng dalawang award — pop album of the year at new male recording artist of the year dahil sa rami rin ng nagtilian sa kanya.  

‘Yun nga lang, hindi na kinaya pang hintayin ni Daniel ang announcement sa pop album of the year category na isa pa niyang nomination dahil nagtsi-chill na siya’t masamang-masama raw ang pakiramdam, ayon sa publicist na si Dominic Rhea.

Mukhang overworked daw si Da­niel dahil last Friday pa ay masama na ang pakiramdam habang nagti-taping ng Got to Believe pero tinapos pa rin ang taping. Kina­bukasan ay may work pa rin ito at ma­ging noong Sunday bago pumunta ng awards night ay may tinapos pang commitment. 

Kaya hayun, bumigay na nga sa awards night mismo. Si Daniel ang nanalo sa nasabing kategor­ya at sayang na hindi na niya ito nahin­tay. Pero natanggap naman niya ang new male recording artist dahil maaga itong naigawad.

 Mapapanood ang kabuuan ng PMPC 5th Star Awards for Music sa ABS-CBN’s Sunday’s Best sa ika-20 ng Oktubre, sa ganap na 11:00 p.m. Mula ito sa Airtime Productions ni Tess Celestino and directed by Al Quinn.

 

AIRTIME PRODUCTIONS

AL QUINN

ANGELINE QUINTO

BILLY CRAW

BRYAN TERMULO

GRAND BALLROOM

SHY

STAR AWARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with