Vina susubok sa indie film, magpo-produce pa
MANILA, Philippines - Na-invite kami kamakailan sa anniversary tour sa dalawang Ystilo Salon — sa SM City, Tarlac at sa Nepo Mall sa Dagupan City — ni Mr. Edward Balbiran aka Joey Austria sa showbiz. Isa siya sa 28 franchisers ng negosyo na pag-aari ng actress-singer na si Vina Morales.
Nag-umpisa ang Ystilo 15 years ago. Umunlad ito ng sinimulan sa Maynila hanggang kumalat sa key cities sa mga probinsiya.
“Sa awa ng Diyos, ng sister kong si Shaina (Magdayao), umunlad ang negosyo. Inspiration ko rin ang anak kong si Ceana rito,†sabi ni Vina.
Four years old na si Ceana ngayon. May sarili siyang website: kikaykid.com.ph na puwedeng umorder ng mga damit, sapatos, at accessories na pang-bata.
Lately ay nakikipag-date na si Vina. Pero unfortunately, kahit may kilig factor ang binata sa kanya nung umpisa, hindi pa rin ito tumama sa hinahanap niya.
Maganda at sexy pa rin hanggang ngayon ang aktres kaya naman okay pa rin ang kanyang TV career. Kasama siya sa bagong teleserye ng ABS-CBN, ang Maria Mercedes, with Jessy Mendiola at Jake Cuenca.
“Gusto ko ring lumabas sa indie film. At kung may maganda talagang istorya, puwede kong i-produce. Why not?†pagtatapos ni Vina.
Megan isinama sa pasasalamat ang mga nanira
Mula sa London, England ay dumating sa Pilipinas si Megan Young, ang kauna-unahang Pinay na naging Miss World. Napaiyak ang actress-beauty queen nang salubungin ng fans and supporters at nagpasalamat siya sa kanila, pati na rin sa mga basher, dahil natuto siya at lalong tumatag.
Pagkatapos ng pagdalaw niya sa bansa ay muling babalik sa Indonesia si Megan pero based in London pa rin siya pagkatapos. Very tight talaga ang schedule ni Megan bilang Miss World sabi ng national director ng Miss World-Philippines beauty pageant na si Cory Quirino.
- Latest