^

Pang Movies

Hindi alam ang pakikipag-kapwa tao: Stage mother over ang kasupladahan, pati mga collector ng bills binibiktima

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Mama Salve, aminin mo, marami ang na-turn off sa isang stage mother dahil sa kasupladahan na ipinakita niya sa isang showbiz event. Saksi ka ’di ba?

Sa true lang, kinabubuwisitan ang stage mother dahil mahirap ito na kausap kaya walang direksiyon ang career ng kanyang mga alaga.

Iniiwasan din siya ng mga kolektor ng Meralco, MWSS, etc. dahil mahilig siya na magtaray kapag sinisingil. Hate na hate ang showbiz mother ng mga bossing ng isang tele­phone company dahil sa pang-aapi na ginawa niya sa kanilang tauhan.

Isang araw, makakakita rin ng katapat ang stage mother na hindi marunong makipag-kapwa tao.

Megan nakipag-reunion sa lola

Natuloy kahapon ang homecoming motorcade ni Me­gan Young sa Olongapo City, Zambales kahit makulimlim ang panahon.

Dinayo ng mga TV crew ang Olongapo City para makunan nila ang pag-uwi ni Megan sa bayan nito at ang pagkikita nila ng kanyang lola.

Si Olongapo City Mayor Rolen Paulino ang kasama ni Me­gan sa float. Tuwang-tuwa ang mga residente sa karangalan na dinala ni Megan sa kanilang bayan.

Kung red Filipiniana gown ang suot ni Megan sa motorcade niya sa Makati City noong Biyernes, white short dress naman ang outfit ng Miss World 2013 nang pumarada ito sa Olongapo City.

KC inspirado, panay ang training ng martial arts

Tuluy-tuloy ang shooting ng Boy Golden, ang official entry ni Laguna Governor ER Ejercito sa Metro Manila Film Festival 2013.

Si KC Concepcion ang leading lady ni Papa ER sa Boy Gol­den. Panay ang martial arts training ni KC para sa pelikula nila ni Papa ER na saganang-sagana sa action scenes.

Inspired na inspired si KC sa shooting ng Boy Golden dahil nabigyan siya ng chance na makatrabaho ang award winning director na si Chito Roño.

Sa Laguna ang shooting ng Boy Golden. Balwarte ni Papa ER ang Laguna dahil siya ang gobernador ng lalawigan. Hindi na kailangan na mag-shooting sila sa ibang probinsiya dahil marami ang magagandang lugar sa Laguna.

Mapapangasawa ni Miriam may kamukhang composer

Ang sabi ng mga reporter, ang composer na si Vehnee Saturno ang Kalokalike ni Ardy Roberto, Jr., ang future husband ni Miriam Quiambao.

Agree ako sa obserbasyon ng mga reporter dahil base sa mga litrato ni Ardy na lumabas sa mga diyaryo, malaki nga ang pagkakahawig niya sa award-winning composer. Puwedeng mapagkamalan na mag­kapatid si Vehnee at ang fiancé ni Miriam.                                            

Mike balak na namang mamundok pagkatapos ng show

Balak ni Mike Tan na magbakasyon kapag natapos ang last ta­ping day ng Mga Basang Sisiw. Iniisip ni Mike na mamundok tulad nang ginawa niya noon. Nagpunta siya sa Benguet kasama ang kanyang mga kaibigan.

Hindi nagdala ng sariling sasakyan si Mike. Sumakay lamang sila ng kanyang mga kasama sa bus at nagustuhan nila ang ginawa.

In fairness to Mike, hindi siya maarte at walang star complex. Kung ano ang meron, happy na siya. Maging sa taping ng Mga Basang Sisiw, hindi siya mapaghanap o namimili ng pagkain kaya love na love siya ng production staff.

BOY GOLDEN

DAHIL

MEGAN

MGA BASANG SISIW

OLONGAPO CITY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with