Richard Yap naiinis na sa kakaselos ng misis
MANILA, Philippines - Kung mismong si Richard Yap ng Be Careful with My Heart ay hindi makapaniwalang nagkaroon na siya ng solo album, lalo naman kaming televiewers na hindi naman nagagandahan sa boses niya.
Carrier single sa self-titled album niya ang Don’t Know What To Do, Don’t Know What To Say na dati kay Ric Segreto. Feeling yata niya, siya na si Ric Segreto na nag-reincarnate.
Totoo kaya ang tsismis na medyo lumalayo na raw ang loob ni Richard sa misis niyang selosa? Pati ba naman si Jodi Sta. Maria pinagseselosan pa?
Pero sabi naman ni Yap, hindi raw totoo ang tsismis. Trabaho lang ang ginagawa niya. Walang personalan.
Anak ni Piolo gumigimik na rin?
Kamukhang-kamukha na ni Piolo Pascual ang anak niyang si Iñigo Pascual. Ganun ang mukha ng aktor noong sumali siya sa That’s Entertainment ni German Moreno.
Si Piolo ang producer ng launching film ng anak niya, Relax Lang, Pag-ibig, directed by Bb. Joyce Bernal. Ka-partner ni Iñigo dito si Sofia Andres, na isa pang starlet din, mula sa Star Magic.
Nagka-partner lang sila ni Sofia, nililigawan daw agad ito ni Iñigo. Ewan lang kung toÂtoo ito o gumigimik lang sila para mapag-usapan. Siguro dapat ay pagtuunan muna nila ng pansin ang acting nila kaysa magtampisaw agad sa love life. Kahit mag-boyfriend-girlÂfriend na sila, baguhan lang sila kaya ’di pa sigurado kung sila ay pag-uusapan.
- Latest