^

Pang Movies

Fans walang muwang na tigbak na ang Wowowillie

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Sad ang mga host at production staff ng Wowowillie dahil ngayon ang last day sa telebisyon ng kanilang noontime show.

Maraming buwan na ang nakalilipas nang i-announce ni Willie Revillame na hindi na nito ire-renew ang kontrata niya sa TV5 dahil magpapahinga muna siya at aasikasuhin ang kanyang ibang mga negosyo.

Heto na ang nakakaloka na part ng kuwento. Nagpalitan kahapon ng mga souvenir gift ang mga female co-host ng Wowowillie dahil magkakahiwa-hiwalay na nga sila.

Nagbigay ng message na madamdamin si Mariel Rodriguez kay Cacai Bautista. May mga nag-react sa message ni Mariel. Magre-resign na ba raw siya sa Wowowillie kaya emotional ang goodbye niya kay Cacai?

Nakakaloka ’di ba? May mga tao pala na hindi alam na last day na ngayon sa ere ng Wowowillie eh kalat na kalat ang balita tungkol sa pag-alis ni Willie sa TV5. Natutulog ba sa pansitan ang mga hindi nakakaalam o talagang clueless sila?

MHL die hards ulan ang makakalaban

Ngayong gabi na ang One More Try, ang concert ng cast ng My Husband’s Lover sa Smart Araneta Coliseum.

Praying ang fans ng My Husband’s Lover na huwag umulan nang malakas ngayong gabi or else, baka hindi nila mapanood ang concert.

May trauma na ang mga Pilipino sa malakas na buhos ng ulan dahil alam nila na konting ulan lang, lumulubog agad sa baha ang maraming lugar sa Metro Manila, pati na sa EDSA kaya nagkakaroon ng traffic na matindi gaya ng nangyari noong Thursday night.

Inaasahan na mahaba ang One More Try dahil sa mga performance ng cast na feeling sad din dahil hanggang Oct. 18 na lang ang kanilang beki serye.

Bekikang ipinakikilalang Bagong mukha ng kagandahan

Natawa naman ako sa tagline na kilalanin ang bagong mukha ng kagandahan, si Bekikang! Talagang ikinokondisyon na ang utak ng mga tao na magandang baklita si Bekikang, ang karakter ni Joey Paras sa launching movie nito, ang Bekikang: Ang Nanay Kong Beki.

Sa totoo lang, walang tao na maganda o pangit. Basta mabuti at ginintuan ang ugali ng isang tao, maganda ang tingin sa kanya ng lahat. Kahit anong ganda ng hitsura ng isang tao pero nakakasuka ang kanyang ugali, pangit siya sa paningin ng madlang-bayan.

Maraming ganyan sa showbiz, magagandang mukha ng mga artista pero nuknukan ng sama ang asal kaya short-lived ang kanilang mga career.

Megan diyosaNG DIYOSA na, pinauso ni Imelda suot sa parada

Red terno ang suot ni Megan Young sa motorcade niya kahapon sa kahabaan ng Ayala Avenue sa Makati City hanggang sa Mall of Asia sa Pasay City.

Ipinakita ni Megan ang pagiging tunay na Pilipina sa pamamagitan ng kanyang Filipiniana terno na pinauso at pinasikat ni Mrs. Imel­da Marcos noong ito pa ang first lady ng ating bansa.

Iba talaga kapag nagkakaroon ng international beauty title ang isang babae. Nagiging diyosa siya sa paningin ng sambayanang Pilipino at good example si Megan. Hindi ko na dudugtungan ang aking mga sinasabi dahil tiyak na may mapapahiya, lalo na ang mga tao na hindi binigyan ng importansiya si Megan noong hindi pa ito hinihirang na Miss World.

Aktor tumanda ang mukha, apektado sa hiwalayan sa actress-GF

Tumanda ang face ng isang aktor. I’m sure, sob­rang affected siya ng hiwalayan portion nila ng kanyang actress-girlfriend.

Nawalan ng ningning ang aktor na palaging malungkot at walang kabuhay-buhay. Ganyan ang nangyayari sa mga artista na mas pinahalagahan ang career kesa sa mga tao na tunay na nagmamahal sa kanila.

ANG NANAY KONG BEKI

BEKIKANG

MEGAN

MY HUSBAND

ONE MORE TRY

WOWOWILLIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with