^

Pang Movies

Daniel napaso sa ‘She’s the one’ kay Heart

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nagustuhan namin ang naging mga sagot ni Daniel Matsunaga sa press confe­rence nung isang araw ng pelikula niyang She’s the One. Alam natin na hindi siya Pilipino, hindi siya gano’n kagaling mag-Tagalog, pero pinilit niyang magsalita sa wikang Pilipino.

Mapapansin mo rin sa kanyang mga sagot na wala siyang itinatago at talagang sinasabi niya kung ano ang totoo.

Nang tanungin siya tungkol sa dati niyang girlfriend na si Heart Evangelista ay natawa na lamang si Daniel pero sinagot pa rin niya ang tanong. Noon daw mag-on sila ay sinabi rin niya kay Heart, ang “she’s the one.” Pero mabilis niyang dinugtu­ngan ng “mali pala.”

Sa totoo lang, hanggang ngayon nga ay hindi pa rin maliwanag ang dahilan ng kanilang breakup. Isipin ninyo, sumama pa si Heart na mag-isa kay Daniel sa Brazil, pero makalipas lang ang ilang buwan ay biglang nangyari ang kanilang hiwalayan.

Maraming usapan kung paanong nangyari ang kanilang pag-i-split, pero isa man sa kanila ay walang sumagot, at bigla na nga lang na nagkaroon ng tsismis at kalaunan ay lumabas na totoo nga pala na boyfriend na ni Heart si Sen. Chiz Escudero na hiwalay naman sa kanyang asawa.

Si Daniel naman, mukhang enjoy pa sa kanyang career. Mukhang iyon na nga ang pinagbubutihan niya ng husto. At iyon nga siguro ang dahilan kung bakit siguro marami siyang assignments. Marami siyang project sa TV, may mga ginawang product endorsements, bukod pa nga sa pagmo-model ng mga damit.

Marami ang nakapansin na mukha raw mas guwapo pa nga ngayon ang Brapanese. Noong medyo nag-mature siya ay mas naging okay ang kanyang dating kaysa noong una siyang pumasok sa showbusiness.

Pero noong tanungin siya tungkol sa tsismis sa kanila ni Kris Aquino, mabilis din siyang tumanggi at sinabing mabait iyon sa kanya, lagi siyang kinukuhang guest sa TV show pero, sa totoo lang daw, wala silang relasyon. Magkaibigan lang sila.

Si Daniel, halata mong nagsasabi ng totoo. Iyon naman ang tama.

Geneva preggy na

Inamin ni Geneva Cruz sa kanyang social networking account na siya ay buntis na nga. May boyfriend naman ang singer kaya hindi nga nakapagtatakang mangyari ang ganun. Palagay nga namin, mas dapat nga sigurong magkaroon na siya ng bagong pamilya dahil matagal na naman silang magkahiwalay ni KC Montero. Bale nakada­lawang affairs na rin naman si Geneva. Palagay naman namin, natuto na siyang talaga.

Mayamang bading naghihintay makadiskarte sa foreign actor na nasa bansa

Target din pala ng isang mayamang gay ang isang matinee idol na foreigner na nasa bansa natin ngayon. Kaya nga lang, masyadong maraming assignments ang poging aktor kaya hindi siya mai-date ng mayamang bakla.

May offer pa nga ang bakla. Kung magkano ang ibabayad sa taxi, dodoblehin pa niya maghintay lang ang driver ng foreigner.

CHIZ ESCUDERO

DANIEL MATSUNAGA

GENEVA CRUZ

HEART EVANGELISTA

KRIS AQUINO

LANG

SI DANIEL

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with