^

Pang Movies

Aktor muntik sumabit sa ‘pork scandal’

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Muntik nang ma-involve sa isa pang “pork scandal” ang sikat na aktor. Humiling kasi sa kanya ang influential beki na dalhan ang mga relative niya abroad ng masasarap na tocino, longganisa, at tapa.

Bawal sa bansang pinuntahan niya ang magpasok ng mga hilaw na laman kaya’t nag-small-time smuggling ang aktor para matupad ang hiling ng baklesh. Kahit kinakabahan na siya sa port of entry, nakalusot naman sa mahigpit na inspeksiyon ang mga hilaw na karne.

Kung hindi, naiskandalo ang artista dahil sa pagbibigay sa kaibigang bading.

Derek hanggang kama lang muna sa mga nakakarelasyon, kasal Hindi pa naa-annul

Kung aasikasuhin ni Derek Ramsay ang annulment from his wife, malaking inconvenience para sa kanya. Hindi po ang paglalakad ng mga papeles at pag-attend sa mga hearing.

Mawawalan lang naman siya ng valid excuse na pakasalan ang mga nagiging girlfriend niya. Sa ngayon ay comfortable siya na hanggang pagli-live-in lang ang maaaring gawin niya sa mga nakakarelasyon.

Sabi nga nila, hanggang kama lang ang mga romantic affair!

Kapag napawalang bisa ang kanyang kasal, madaling humiling ng marriage kung sino man ang makarelasyon niya. Huwag nga lang bading!

Chabacano film kasali sa Spanish filmfest

Nagwagi ng best short award ang Chabacano movie ni Sheron Dayoc, Mientras Su Dormida (As He Sleeps), sa katatapos na Serbia International Short Films Festival.

Meron nang bright future ang mga regional film sa ating bansa. Dadami ang gagawa ng mga Ilonggo, Cebuano, Ilokano films.

Magiging active muli si Direktor Leonardo Belen, na siyang nagdirek ng first Ilonggo movie sa a­ting bansa, kahit na siya ay full-blooded Ilokano.

Ang Mientras Su Dormida ay kasali sa ongoing Pelicula-Pelikula Spanish Film Festival at mapapanood sa Greenbelt 3 Cinema 1 sa Makati City today and tomorrow at 4:30 p.m.

Sikat na singers bubuhayin ang mga kanta ni Freddie Aguilar

Kung gusto ninyong manood ng 5th PMPC Star Awards for Music sa Linggo, 7 p.m., na itatanghal sa Solaire Resort and Casino sa Pasay City, puwede pa kayong mag-request ng invitation sa office ng Philippine Movie Press Club sa Roces Avenue, Quezon City.

Halos lahat ng mga sikat na recording ar­tists da­­da­lo o magpe-perform sa awards night sa ma­la­­­­la­king production number. Ang mga kanta ni Ka Freddie Agui­lar, na gagawaran ng Lifetime Achievement Awards, ay kakantahin ng mga sikat na singers with the awardee

Direk Lav may downpayment na SA US distribution ng Norte

Napirmahan na ang contract with Cinema Guild, New York City for the U.S. distribution of Lav Diaz’s Norte: Hangganan ng Kasaysayan.

The well-acclaimed, four-hour Pinoy film will be shown in mainstream theaters all over America in 2014.

Of course Diaz and company have already received a handsome down payment, in U.S. dollars.

ALBUM NI Richard Yap No.3 agad 

Kalalabas pa lang ng self-titled album ni Ri­chard Yap, No. 3 agad ito sa overall music charts. For the first time after several months, nawala sa overall bestseller list ang DJP (second album) ni Daniel Padilla.

Kasali pa naman ang DJP sa OPM charts, ranked No. 9.

Classic film libreng mapapanood

Sa mga mahihilig manood ng mga classic film na libre, may screening sa Oct. 12, Saturday, 4 p.m., ang Sanda Wong (1954) ni National Artist for Film Gerardo de Leon. Bida sa pelikula sina Jose Padilla, at ang mag-asawang Gil de Leon.

Ang pagkatanda namin, kumanta ng Sanda Wong theme song ang dating sikat na Chinese actress/singer na si Lola Young.

Ang mga classic film sa National Artist for Cine­ma Gerardo de Leon @ 100 ay mapapanood sa Tanghalang Manuel Conde ng Cultural Center of the Philippines.

Sineng Pambansa films dadalhin sa Shangri-La Plaza Mall

May repeat screening ang Sineng Pambansa: All Masters Edition sa Shangri-La Plaza Mall Ci­ne­ma sa Mandaluyong City mula Oct. 11-27. Maaari pa ninyong panoorin ang mga bagong obra ng mga batikang Pinoy director on the said dates.

ALL MASTERS EDITION

FILM

NATIONAL ARTIST

SANDA WONG

SHY

SINENG PAMBANSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with