^

Pang Movies

Ciara hindi na nagpapa-pressure para magkaanak

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nagbabalik na sa pag-arte sa TV si Ciara Sotto at kasama siya sa tawa-serye ng kanyang pinsang si Sharon Cuneta na Madam Chairman. Masaya si Ciara dahil bumabalik na naman siya sa pag-arte pagkatapos ng ilang taon na pamamahinga.

Desisyon naman daw niya ang magpahinga muna sa showbiz dahil gusto niyang maging maasikasong misis sa kanyang mister na si Jojo Oconer.

“Masaya kami parati. Parang laging bagong kasal,” tawa pa niya.

“Wala naman kaming nagiging matinding problema. Kung meron man, maliit lang at madaling maayos. But overall happy kaming dalawa ng hubby ko.”

Kung tutuusin ay mas busy ang mister ni Ciara sa showbiz kesa sa kanya.

“That’s true. ‘Yung production team kasi ni Jojo na Archangel Productions ang may hawak ng mga malalaking teleserye sa TV5 like ‘yung Valiente, Kidlat, and ngayon ‘yung The Gift ni Kuya Ogie Alcasid.

“Kaya mas busy siya talaga sa TV production. Okay lang iyon because I know how hard they work para maganda ang mga show nila,” pahayag ni Ciara na nahilig sa pole dancing nang magpahinga sa showbiz.

Hanggang ngayon ay hindi pa nga nabibiyayaan ng sarili nilang sanggol ang mag-asawa. Apat na taon na silang kasal.

“Bahala na si Lord. Hindi ko na pini-pressure ang sarili ko sa ganyan. Advice sa akin ng mga tito ko na huwag masyadong isipin kasi mas lalo akong mai-stress.

“Wala namang pressure from my Dad (Tito Sotto). Si Mommy (Helen Gamboa) ang parating, ‘O, ano? Wala pa ba?’ Pero alam naman nila na si God ang bahala,” sabi pa niya.

Kinumusta na rin namin ang kalagayan ng Mommy Helen niya ngayon dahil balitang nagiging sakitin ito.

“Mom had to rest kasi nagkaroon siya ng vertigo, asthma. Nagsabay.

“So, hindi natuloy ‘yung show niya sa GMA 7. Pero next year babalik na siya sa trabaho. Kailangan lang niya ng mahabang pahinga,” paliwanag ni Ciara.

Nadine hindi pa alam ang kasal sa anak ni Isabel Rivas

Officially engaged na si Nadine Samonte sa kanyang boyfriend na si Richard Chua na anak ng aktres na si Isabel Rivas. Suot na ng aktres  ang engagement ring na bigay sa kanya ng BF noong mag-propose ito noon pang July sa Sofitel Hotel sa Pasay City.

“Hindi ako makapagsalita noong tinanong niya ako. Parang eksena sa mga pelikulang napapanood ko. Totoo palang mabibigla ka.

“Kahit na engaged na kami it doesn’t mean na ikakasal na kami agad-agad. Paplanuhin pa namin lahat. Baka sometime in 2014,” kuwento ni Nadine.

Kuntento na siya ngayon sa career niya sa TV5 at isa sa ni-launch na show ay ang The Gift at ka-partner niya si Ogie Alcasid.

Kelan lang ay nag-reunion sila ng mga ka-batch niya sa pinakaunang Starstruck. Kumpleto silang girls at may mga anak na nga sina Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, at Katrina Halili.

“Oo nga at kami na lang nina Jade Lopez, Sheena Halili, at Cristine Reyes ang mga wala pa.

“Kumpleto ang girls pero ang boys, may kulang na. Wala na si Tyron. Nasa States naman si Christian Esteban at hindi nakarating si Dion Ignacio kasi nasa taping pa siya. At least nandoon sina Mark Herras, Rainier Castillo, Anton Paz, and Alvin Aragon.”

Totoo bang may pelikula silang naiisip gawin na magkakasama?

“May gano’ng plano talaga. Habang nandito pa kaming lahat, ‘di ba? May kinausap na kaming tutulong sa amin for the movie,” kumpirma ni Nadine.

 

  

vuukle comment

ALVIN ARAGON

ANTON PAZ

ARCHANGEL PRODUCTIONS

CHRISTIAN ESTEBAN

CIARA

ISABEL RIVAS

NADINE

NIYA

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with