Dahil sa mahihirap na bata John Lloyd nagising sa sitwasyon ng gobyerno
Hindi lang si Robin Padilla, na sa pagkadismaya sa mga nangyayari, ay hinamon na pati si Senador Franklin Drilon na mag-resign. Siguro nga may pinagmulan din iyon dahil ilang taon na ang nakararaan noong mahuli ang aktor dahil sa illegal possession of firearms, na sinasabi niyang ginagamit lamang niya sa shooting ng kanyang pelikula, at noon ay pinaniwalaan naman niyang legal, isa si Drilon na nagsabing dapat siyang ikulong.
Palagay namin, natural lang naman iyong kinampihan pa siya ng kanyang asawang si Mariel Rodriguez. Kung doon nga sa problema ng mga Muslim sa Sabah ay nasabak pati si Mariel bilang suporta kay Robin, diyan pa ba sa ganyan lang kaso?
Pero ang nagulat kami ay ang statement ni John Lloyd Cruz na dismayado na rin daw siya sa nangyayaring corruption sa gobyerno. Napasama raw kasi si John Lloyd sa isang outreach program ng isang foundation at awang-awa siya sa kalagayan ng mga taong pinuntahan nila, lalo na ang mga bata, na sinusuong ang panganib sa dagat para lamang may pagkakitaan. Hirap sila sa buhay eh.
Pagkatapos nga naman kung gaano kalaking taxes ang kinakaltas sa kita niya. Bale 31.5% na ang kanyang income tax, kahit na malaki rin ang kanyang gastos, wala rin kasing gross taxation naman tayo simula noong panahon ni Presidente Cory Aquino. Walang pakialam ang gobyerno kung nagkasakit ka, nasunugan ka, o natangay ng baha ang bahay mo. Basta kung ano ang kinita mo, iyon ang tax mo.
Nilagyan pa niya ng VAT ang mga bilihin, na ginawa pang EVAT, kaya nga lahat ng bilhin at serbisyong kailangan mo ay may 12% pa. Kung susumahin 43.5% ng kabuuang kita ng mga tao ay kinukuha na ng gobyerno sa tax. Isipin ninyo kung ilang milyong piso kaya ang nakukuha nila kay John Lloyd ’tapos nga naman ganoon ang makikita niyang kalagayan ng kanyang mga kababayan? Ang mapapanood pa niya sa TV at mababasa sa mga diyaryo ay puro nakawan sa gobyerno, at ayaw pang bitiwan ang pork barrel na pinagmumulan ng korupsiyon at dahilan ng “balikukong daanâ€.
Talagang madidismaya ka nga. Kami nga matagal nang dismayado eh.
Isabelle isinasabong na sa baguhang Fil-German!
May sinisimulan na naman sina Vic Sotto at Jose Manalo sa Eat Bulaga. Pinaglalaban naman nila ang isa nilang trainee na lumaki sa Germany at ang kanilang co-host na si Isabelle Daza. Siyempre si Jose ang usual na alaskador at sinasabing talung-talo ng trainee nilang si Valerie Weigmann si Isabelle.
Sinundan naman iyon ni Vic na dapat mag-showdown ang dalawa. Kilala ang Eat Bulaga sa pagpapasikat ng mga dati ay hindi napapansin. Tingnan ninyo ang nangyari kay Gracia, ’tapos si Rochelle Pangilinan, sumunod si Sugar Mercado, at mayroon pang bago, si Hopia. Ngayon ang trainee naman na Fil-German na sa palagay namin ay mapapasikat din nila.
Pero iyon namang si Paolo BallesÂteros, manggagaya lang bakit naman iyong laos pa?
Sexy actress nagpapa-cute kahit sa cosplayer
Ang tindi ng isang sexy actress. Nakita namin siya sa isang gathering ng mga cosplayer at panay ang pakuha niya ng picture na nakayakap pa sa isang lalaking cosplayer na malaki talaga ang katawan.
Mukhang trip na naman niya ang lalaki dahil kilala naman ang sexy actress sa pag-aabang ng ka-date kahit na nga sa Quezon City Circle eh.
- Latest