Pinagsabihan na rin ni Kiko na ‘wag na uling pumatol: Sharon binawi ang ipamimigay na P10M
“I stand by my words.†Ito ang naging pahayag ni Megastar Sharon Cuneta hinggil sa nai-tweet niya a few days ago na ipinamigay siya ng P10M sa sinumang makapagpapatunay na involved ang asawa niyang si Sen. Francis “Kiko†Pangilinan sa pork barrel scam at kasabay nito ay iiwan niya ang kanyang mister.
“That’s how confident I am. I stand by what I said,†say ni Shawie nang makausap namin siya sa presscon ng kanyang bagong tawa-serye sa TV5 na Madam Chairman.
“And is this is all what I want to say about this. Let us not let ourselves be distracted from the real issue. I will not allow that. I will not give anything for that.
“If you have questions about Kiko, I’m sure he’ll be very capable of answering those questions after we arrive of the truth of the major thing that we have to be focusing on which is the scam, the scandal now.
“You can write down your questions, I would gladly answer them when it’s over. But I stand by what I said.â€
Matatandaang idinawit ni Sen. Jinggoy Estrada sa pork barrel scam ang pangalan ni Sen. Kiko kaya in defense of her husband ay sumagot din naman si Sharon.
Naapektuhan ba ang friendship nila ni Sen. Jinggoy dahil dito?
“I don’t want na lang to answer anything na. I don’t want anything I say to be used and then, you know, misconstrued and ano... I’ll say this lang, to make the long story short, hindi naman question ’yung PDAF (Priority Development Assistance Fund) kasi most everyone is politics is given that.
“Ang question, saan napupunta ang PDAF? If it’s used correctly and that way it’s meant to be used which is to help your kababayan, then, ang dami pa lalong natulungan. That’s all I’ll say and I will stand by what I say until the end of my days. Hindi magnanakaw ang asawa ko,†she said.
Ano ang reaksiyon ni Sen. Kiko sa sinabi niya?
“Tumawa. Actually, sabi niya, ‘Thank you sweetheart for your confidence in me but you don’t have to defend me.’ Sabi niya, ‘Sweetheart, tama na.’ Kaya ako nag-sorry,†natatawa niyang sabi.
Pero aminado ang Megastar na sobrang happy niya na out ang asawa niya sa lahat ng eskandalong ito.
“We were just talking about it kanina. We are so happy to be out of it. Sabi nga niya, ‘Sweetheart, tama ’yan. ’Wag mo na patulan ’yang mga issue or huwag ka na sumagot’ kasi sabi niya, ‘hindi naman tayo sikat ngayon, wala nga tayo sa office eh.’ Oo nga naman,†say niya.
Magsisimula na ang Madam Chairman sa Oct. 14 sa primetime slot ng Kapatid Network.
Sarah puwede nang maging concert queen dahil sa Perfect 10
Dahil halos sold out na ang ticket sa Perfect 10 concert ni Sarah Geronimo sa Smart Araneta Coliseum sa Nov. 15, nag-decide si Mr. Vic del Rosario na pagbigyan ang request ng fans na magkaroon agad ito ng repeat o take 2. At mangyayari ito sa Nov. 30 sa SM Mall of Asia Arena. Katuwiran ni Mr. Del Rosario ito ay para naman mas malapit sa mga fans ni Sarah from South.
Super hands on daw si Sarah sa concert niyang ito at personal na namimili ng mga kanta at maging sa gagamiting gowns at stage design. Since 10th anniversary nga niya ito, talaga raw ginagawa nito ang lahat para mas special ang Perfect 10.
That’s why sa ngayon ay ayaw nito nang patung-patong na trabaho dahil sa concert niya muna tututok. Malamang na early next year na gumawa ng pelikula ang Pop Princess.
Ipinangako ng Viva Concerts na exceptional and unusual ang Perfect 10 bilang pasasalamat ni Sarah sa kanyang fans na naging loyal sa kanya for the past 10 years. Mas malaki pa raw ito sa production ng 24/SG na ipinakita niya na puwede na siyang tawaging concert queen dahil sa kanyang kakaibang galing sa entablado.
Magsisimula nang ibenta ang ticket para sa Nov. 30 concert sa Sunday. Pero sa gustong mauna sa Nov. 15, meron pa rin pero sa mga lower and upper box na ang karamihan.
Ang tickets ay available sa Ticket (911-5555), SM Tickets (470-2222), at Viva Concerts (687-7236).
- Latest