Martin namumudmod ng CD bago matulog sa eroplano
Namigay si Martin Nievera ng shower head speaker sa presscon ng repeat ng kanyang 3D Concert.
Personal na binili ni Martin sa Japan ang mga cute na shower head speaker na puwedeng gamitin sa laptop at cellphone. Ganyan ka-geneÂrous si Martin. Hindi totoo ang tsismis na kuripot siya.
May isang ugali si Martin na tuwing bumibiyahe siya sa ibang bansa, bitbit niya ang sangkatutak na CD ng kanyang album. Personal na ibinibigay ni Martin ang mga CD with matching autograph sa crew ng Philippine Airlines. Pinipirmahan niya ang mga CD bago siya maÂtulog sa eroplano dahil matagal ang more than 12-hour flight.
Generous din siya sa photo-op request ng mga pasahero ng eroplano. Ilan ’yan sa mga dahilan kaya love na love si Martin ng mga Pinoy na nag-promise na susuportahan ang repeat ng kanyang 30th anniversary concert sa Nov. 22 sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.
Jiggy nakapagpasaya ng televiewers
Napasaya ni Jiggy Manicad ang teleÂviewers dahil sa pagkakamali niya sa kanyang TV report noong Biyernes.
In fairness, pinatawa ni Jiggy ang teÂleÂviewers. Mabibilang sa daliri ang mga bumatikos kay Jiggy, ang mga tao na feeling perfect pero may mga kapalpakan din naman.
Sa totoo lang, walang masama kung nasabi ni Jiggy ang salitang t-- dahil ’yon naman talaga ang tawag sa dumi ng lahat ng Pinoy. Huwag tayong maglinis-linisan ’no?!
Aktres naka-enrol sa bait-baitan school of acting pero sobrang magtaray at nambu-bully ng kapwa
Nawalan na ako ng gana sa isang aktres dahil nalaman ko ang kanyang tunay na ugali, maldita pala siya sa tunay na buhay.
Pakitang-tao lang ang pagiging mabait niya sa harap ng mga camera dahil kilala ko ang tao na kanyang tinaray-tarayan.
Naalaala ko ang kasamaan ng ugali ng aktres dahil napanood ko noong isang araw ang interbyu sa kanya. Walang-wala sa hitsura niya na salbahe siya at mapang-api ng kapwa. Bait-baitan school of acting ang kanyang drama.
Mas pinaniniwalaan ko ang kuwento ng tao na inapi ng aktres dahil matagal na kaming magkakilala.
Kung hindi guilty ang aktres, bakit hindi na siya pumupunta sa lugar na pinaglilingkuran ng tao na biktima ng pambu-bully niya?
Bagong bukas na negosyo ni Ogie, pila-pila ang kumakain
Maligayang-maligaya si Ogie Alcasid dahil dinadagsa ng mga tao ang bagong branch sa Katipunan Avenue, Quezon City ng Ryu, ang restaurant nila ng kanyang mga business partner.
Balitang-balita kasi na masarap ang mga pagkain sa Morato branch ng Ryu. Isa si Martin Nievera sa regular client ng restaurant ni Ogie. Natuwa ang mga nakatira sa Katipunan area dahil hindi na nila kailangan pa na dumayo sa Morato para matikman ang masasarap na ramen at iba pang pagkain ng Ryu.
- Latest