Kasal ni Jericho wala pa ring petsa
Nanghinayang si Jericho Rosales na hindi na niya inabutan si US Ambassador to the Philippines Harry Thomas sa presscon ng indie film na Alagwa. Very supportive si Amb. Thomas sa pelikula matapos niyang mapanood sa dalawang screening na ginawa sa kanyang embassy residence ng peliÂkula ni Direk Ian Lorenos.
Ang pelikula ay nagpapakita ng human trafficÂking at ang hirap na pinagdadaanan ng mga taong nabibiktima nito. Isa raw kasi ang human trafficking na pinagtutuunan din ng Amerika dahil isa itong serious crime against humaÂnity.
Friend pala ng mag-asawang Gary at Angeli Valenciano si Amb. Thomas na pabalik na rin ng Amerika for a new assignment. Nagkaroon kami ng chance na makamayan siya na siya pa ang bumati sa amin ng: “Ate, kumusta. Salamat.†American time sila talaga ng kanyang aide na dumating ng 11:00 a.m. at kailangan din nilang umalis ng exactly 11:30 a.m. dahil darating ang Secretary of State na siyang representative ni US President Barrack Obama na hindi makararating sa state visit niya sa Pilipinas. Nag-iwan na lamang si Amb. Thomas sa TV interview niya ng message na panoorin ng mga Pinoy ang Alagwa.
Anyways, para kay Jericho, dream come true ang indie film niyang umani na ng maraming parangal here and abroad na maipalalabas na rin commercially nang makipag-partner sila sa Star Cinema para sa kanilang 20th anniversary. Sa Lunes, Oct. 7, ang premiere night sa SM Megamall at sa Oct. 9 in theaters nationwide.
Inamin ni Jericho na ever since, choosy na siya sa mga ginagawang project kaya nang mabasa niya ang script ni Direk Ian, tinanggap niya agad. Hindi raw siya nag-expect na manalo ng award, gusto lamang niyang iparating ang mensahe ng pelikula. Mahusay ngang nagampanan ni Echo ang role ng isang amang inagawan ng maraming taong dapat niyang makasama ang anak nang nakawin ito ng mga human trafficker noong seven years old pa lamang ang bata. Napanood na namin ang movie at iiyakan ninyo ang hirap na pinagdaanan ng isang amang nagdusa, nakipag-away sa paghahaÂnap sa nawalang anak. Kaya naman sunud-sunod ang acting awards na natanggap ni Echo.
Sa love life niya, hindi ikinaila ni Echo na tuloy ang beach wedding nila early next year ng girlfriend na si Kim Cam Jones, pero wala pa siyang ibinigay na exact date at kung saang beach sila ikakasal. May bago siyang teleseryeng gagawin with Angel Locsin.
Nagkatawanan nang tanungin si Bugoy Cariño, ang gumanap na anak ni Echo sa pelikula, kung may crush na siya. Wala raw dahil wala siyang time sa love. Nanalong best supporting actor si Bugoy sa ASEAN International Film Festival sa Hong Kong.
- Latest