^

Pang Movies

Young actor tinalikuran ang marangyang buhay sa beki para magkapamilya

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Maayos na nagpaalam ang young actor sa kanyang very generous and rich gay benefactor. Gusto nang pakasalan ng pogi ang kanyang non-showbiz girlfriend. Nakapagpundar na kasi siya ng kabuha­yan at marami na ring savings deposit.

‘‘Gusto ko nang magka-baby kami,’’ pagtatapat ng menchu sa baklesh. ‘‘Unfair naman sa magi­ging misis ko kung tuloy pa ang ating relasyon kahit meron na akong sariling pamilya.’’

Malakas ang fighting spirit ng beki at ayaw i-give up ang aktor. Bukod kasi sa laging mabango, super husay sa kama ang all-around na artista. Binanggit ng bading ang mga may pamilyang aktor na tuloy ang romansa sa mga kafatid.

Kahit medyo nagulat ang young actor, nakiusap pa rin siya na itutuloy ang kanyang plano for his future. Malay naman natin kung magkatagpo uli sila, after one or two years.

Gov. ER pinaninindigang hindi umabuso sa ginasta sa eleksiyon

Sa tuwing mga taga-showbiz ang sangkot sa mga usaping pulitika, lahat tayo sabik na pinakikinggan ang depensa ng artistang pinagbibintangan. Lalo na kung siya ay si Laguna Gov. ER Ejercito, na malaki ang naitulong sa pagbibigay ng hanapbuhay sa mga taga-industriya.

Direct to the point ang pahayag ng actor/politician na hindi sobra ang ginasta niya noong nakaraang eleksiyon. He claimed that his total expenses were only P4.1 million. This is way below the limit of P4.5 million.

Ang ikinalungkot ng well-loved Laguna go­ver­nor, naglabas ng pahayag ang first division ng Comelec na hindi man lang dininig ang kanyang depensa tungkol sa maling paratang.

Kumpleto ang kanyang mga pa­peles at mga dokumento upang patunayan ang kanyang pahayag na ma­aari namang dinggin sa proper venue, ang regional trial court. Hindi naman siya maaring ma-disqualify sa kanyang posisyon ng walang due process of law.

Gwen Garci walang napala sa Italian husband

Nasaktan si Gwen Garci sa si­na­bi ng kanyang Italian boyfriend na siya ay ‘‘materialistic’’. Was it a civilized way of saying ‘‘gold digger?’’

Umalma ang starlet at pinamumukha sa Italyano na wala siyang hininging house and lot, car, and expensive signature wardrobe and accessories sa kanyang minahal. (Ang sarap naman ng banyaga). Wala naman palang nagasta o hindi binili ang pag-ibig ni Gwen Garci!

Rayver ginawang comedy ang ‘sex’

Marami ang naaliw sa pahayag ni Rayver Cruz na ‘‘pinagtawanan na lang namin (ni Cristine Reyes) ang sinasabing sex video.’’

Well, puwede naman palang maging comedy ang mga engkuwentro sa kama kung talagang meron ngang kumakalat na video ang dating mag-partner.

Huwag na ninyo kaming pahiramin. Baka matawa lang kami... kung makikitang peke pala ito.

Rep. Lucy naniniwalang mabuting tao si Sen. Jinggoy kahit nakaaway dati ni Goma

Kahit nagkasuntukan sina Richard Gomez and Sen. Jinggoy Estrada noong Star Olympics 2003 basketball game, matibay pa rin ang paniwala ni Rep. Lucy Torres-Gomez na isang mabuting tao si Sen. Jinggoy.

Minsan nang humingi ng tulong ang Leyte congresswoman para sa kanyang 4th District sa Leyte, agad na ibinigay ito ng actor/politican — isang school building sa Ormoc. Ayon pa sa TV host, walang hininging kapalit ang senador.

 

vuukle comment

CRISTINE REYES

GWEN GARCI

JINGGOY

JINGGOY ESTRADA

KANYANG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with