^

Pang Movies

Kris at Aljur nagsabihan ng mga hinanakit

Pang-masa

MANILA, Philippines - Tuluy-tuloy ang aliw factor sa Prinsesa ng Buhay Ko sa GMA 7. Narito ang buod sa mangyayari sa pinagbibidahan nina Kris Bernal, Renz Fernandez, at Aljur Abrenica:

Pabirong babawiin ni Nick ang sinabi niya sa kapatid. Habang si Phil ay pagsasabihan naman si Cess at mapapaisip siya. Maging si Steve ay pagsasabihan din si Nick na patuloy pa ring ide-deny ang nararamdaman niya kay Cess. Laking gulat na lang ni Nick nang mag-sorry ulit si Cess sa kanya at dahil doon ay matutuwa si Luis. Lingid naman kay Cess, pinapasakay lang din siya ni Roberto at pareho sila ni Eliza na ayaw sa kanya para kay Luis.

Magugulat naman si Luis dahil bigla na namang mag-aaway sina Nick at Cess pero bigla silang magbabati na mas lalo pang ikalilito ni Luis. Samantala, dahil sa pagiging busy ni Cess, isa-suggest ni Luis na magbakasyon silang dalawa na hindi naman niya tututulan. Pero malulungkot siya pagkakita sa isang video na may fans si Selena na galit sa kanya. Mabuti na lang at naroon si Phil para pasayahin ang kaibigan.

Maaalarma naman si Eliza sa sobrang pag-aasikaso ni Luis kay Cess. Malalaman din ni Nick ang planong pagbabakasyon nina Luis at Cess. Habang si Cess, muling makakaharap si Kate at magpapasaringan naman sila. Magtatagumpay si Eliza dahil hindi agad makakapunta si Luis sa beach house na pupuntahan nila ni Cess.

Problema nga lang ay nasa beach house na si Cess kaya naman si Nick tuloy ang papakiusapan ni Luis. Laking gulat na lang ni Cess nang dumating si Nick imbes na si Luis! Gulantang tuloy siya sa balita ni Nick na siya muna ang sasama sa kanya habang hindi pa dumarating si Luis.

Samantala, maka-cancel ang meeting ni Luis. Handa na siyang umalis at hindi na siya mapipigilan pa ni Eliza. Hindi naman makakatagal si Cess na kasama si Nick kaya mag-aalsa-balutan ito para umalis na kaso nga lang may bagyo. Pero kahit may bagyo pipilitin pa rin niya na maglayag sakay ng isang bangka.

Sa kasawiang palad, tataob ang bangka. Agad siyang ililigtas ni Nick at pareho silang mababasa. Maging ang maleta, mababasa rin. Pareho tuloy silang walang maisusuot. Pero mabuti na lang at nadala ni Nick ang maleta ni Luis, kaso ibang maleta pala ang nadala niya kasi panay costume ang laman. Parehong matatawa tuloy sina Nick at Cess sa mga hitsura nila pagkasuot sa mga costume.

Sa wakas, bati na rin silang dalawa! Mag-iinuman at magkakakuwentuhan sila hanggang sa malasing silang pareho. Masasabi lahat nila sa isa’t isa ang mga hinanakit nila. Masasambit pa ni Cess ang batang lalaki na naging best friend niya sa bahay ampunan. Sa mga maririnig na iyon ni Nick, maaawa siya ng husto sa dalaga kaya naman aamin na siya!

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

BUHAY KO

CESS

ELIZA

HABANG

LUIS

NAMAN

NICK

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with