Noranians nanahimik sa pagkatalo ng superstar
MANILA, Philippines - Nakaungos sa mga Noranians ang mga Vilmanians nitong matalo sa pagka-Best Actress si Nora Aunor sa Cine Filipino Film Festival dahil una nang nanalo si Vilma Santos sa Cinemalaya Film Festival para sa pelikulang Ekstra.
Natalo si Nora sa pelikulang Ang Kuwento ni Mabuti pero ito naman ang tinanghal na Best Picture at kumuha rin ng Best Director para kay Mes de Guzman.
Ang nakakaloka pa, tinalo si Ate Guy ng isang trese-anyos na starlet na si Teri Malvar sa isang lesbian version ng Ang Pagdadalaga Ni Maximo Oliveros. Ni hindi nga nito akalain na mauungusan niya ang superstar.
Gusto tuloy namin manood ng Ang Huling Cha-cha ni Anita para makaliskisan itong si Teri na tinalo si Nora Aunor.
Showing pa ba?
ER umaasang makaka-best actor na
Matagal nang tapos ang pelikula ng anak ni Governor ER Ejercito, ang Ben Tambling na bida si Jericho Ejercito. Pero mas mauuna pang ipalabas ang Boy Golden ng governor. Nakahabol kasi ito sa 2013 Metro Manila Film Festival.
“Talaga sigurong masuwerte ang pelikula dahil last minute lang namin nalaman na puwede pala kaming makahabol,†sabi ni ER.
Marami ring hirap si Gov. ER sa pelikulang ito. Patay na si Boy Porcuna na tunay na Boy Golden at early this year, namatay din ang asawa nitong si Baby Porcuna. Hindi niya tuloy malaman kung kanino kukunin ang rights para maiÂsapelikula ang buhay nito. Nitong may magsabi lang sa kanya na puwedeng kay Deborah Sun niya ito kunin (anak si Deborah ni Baby Porcuna kay Leroy Salvador), saka siya nakahinga nang maluwag. Nag-usap sila ni Deborah at ‘yun na.
Umaasa si ER na this time, baka siya na ang paÂlaring manalo ng Best Actor sa Metro Manila Film Festival.
- Latest