Drama actor humina ang katawan sa kaka-diet
Pinagsabihan na ng doctor ang drama actor na ito na tigilan na ang pagpapapayat dahil hindi ito nakakatulong sa kanyang kalusugan ngayon.
Kelan lang daw ay naospital ulit ang drama actor dahil sa dehydration. Ito ang ikatlong beses na niyang maospital na may kinalaman sa kanyang pagpapapayat.
May sinusunod na diet plan ang drama actor pero sinabihan na siya ng kanyang doctor na tigilan na niya ito dahil humihina ang katawan niya.
Pinababalik siya sa pagkain ng regular para lang makabawi ang katawan nito. Hindi raw malayong humina ang katawan nito dahil puyat na nga raw ito parati sa kanyang trabaho, pero ang kinakain lang niya ay kakarampot at hindi napupunuan ang nawawalang sustansya tuwing nagtatrabaho siya.
Very conscious kasi ang drama actor sa kanyang hitsura sa TV. Ayaw niyang sabihan siya na mataba at wala sa porma ang katawan.
Sinagot naman siya ng doctor na kung hindi niya titigilan ang patuloy na pagpapapayat niya, baka wala nang mapuna pa ang mga manonood sa kanya dahil tigok na siya.
Doon na natakot ang drama actor kaya nangako ito na kakain na ulit ng normal para makabawi ang katawan niyang natutuyot na.
Pelikulang napansin sa pinakamalaking filmfest sa Latin America ipalalabas
Kelan lang namin binalita ang mga papuri sa daÂting Starstruck Kid contestant na si Sandy Talag dahil sa kanyang performance sa Dutch-Filipino film na Lilet Never Happened.
Noong nakaraang September 29 ay napanalunan ni Sandy ang Outstanding Achievement in Acting award sa Oaxaca International Film Festival in Mexico.
Ang Oaxaca International Film Festival sa Mexico at isa ito sa pinakamalaking film festivals in Latin America.
It is dedicated to the advancement of outstanding achievement in cinema and to creating opportunities for filmmakers and scriptwriters.
Bagama’t 15-years old na si Sandy, ginampanan niya ang role ng isang 11-year old child prostitute na si Lilet, pero ang alyas niya ay Snow White kapag nagtatrabaho na siya sa lansangan bilang isang young streetwalker.
Kasabayan nga ni Sandy sa reality-child star search ng GMA 7 na Starstruck Kids noong 2004 ay sila Bea Binene, Miguel Tanfelix, at Ella Guevarra.
Kasama nga ni Sandy sa Lilet Never Happened ay ang mga Pinoy actors na sina John Arcilla at Marife Necesito. Kasama rin nila ang Dutch actress na si Johanna Ter Steege.
Sa isang interview nga ni Sandy sa Filmz TV, inaÂmin nito kinailangan pa niyang makipag-consult sa isang resident psychologist ng pelikula para maintindihan niya nang husto ang kanyang role at ang gustong iparating ng pelikula sa mga manonood nito.
Ipapalabas nga sa Pilipinas ang Lilet Never Happened ngayong December 2013.
Tyra idinemanda ang mga nagbebenta ng ‘kanyang’ wig
Nagsampa ng demanda ang former supermodel-TV host-producer na si Tyra Banks sa sampung kumpanya na gumagawa ng wigs dahil sa illegal na paggamit ng kanyang pangalan.
Aabot sa higit na $10 million ang massive lawsuit na kanyang sinampa sa L.A. County.
Nilalaman ng lawsuit ni Tyra ay ang walang permiso na paggamit ng kanyang name, photograph, image, identity, and trademark sa kanilang mga produktong wigs.
Ang worry daw ni Tyra na baka maniwala ang maraming consumers na siya ang endorsers ng mga pelukang ito na mukhang hindi papasa sa quality control.
Kabilang sa pinangalanan sa kanyang peluka ay ang The Yaki Straight (Tyra Banks style) Wig; the Tyra Banks Customs Lace Wig; at ang Tyra Banks Inspired Human Hair Wig.
Kaya agad-agad na nagsampa si Tyra ng injunction to stop sale of the products and $10 million in damages.
- Latest