Kylie sanay nang magka-problema kay Aljur
Noong unang pinayagan si Kylie Padilla ng kanyang amang si Robin Padilla na bumukod at maging indepenÂdent, nagulat din ang aktres. Sa pagiging over protective ni Binoe sa kanyang mga anak, tila imposible na hayaan silang matutong pangalagaan ang mga sarili.
Sa pagbibigay ng blessing ng aktor sa kanyang anak, naramdaman ni Kylie na higit na lumaki ang kanyang responsibilidad. Binigay sa kanya ang buong tiwala ni Binoe na dapat ipakita niyang she is a mature young adult.
Kahit na meron na siyang mga problema na kaya naman niÂyang lutasin, ayaw na niyang guluhin ang kanyang ama. Si Kylie na mismo ang lulutas. So far, wala naman siyang problema kay Aljur Abrenica, kahit nagsisiÂmula na ang mga intriga sa muling pagtatambal ng kanyang boyfriend kay Kris Bernal.
‘‘Sanay na kaming dalawa sa mga susulpot na issue,’’ paniniyak ni Kylie.
Pinoy version ng Carrie sa stage hit din
Isang blockbuster film ang Carrie, directed by Brian de Palma from a book by Stephen King. Ang bidang babae ay may telekinetic power. Noon, favorite ng aming bestfriend na si Mar Cornes ang pelikula kaya’t lahat ng mga linya ni Carrie ay memorized niya.
Kung buhay si Mar ngayon, tiyak magyaya siyang manood ng stage musical version ng Carrie, produced by Atlantis Productions. Hit ang local version ng play at ongoing pa ang pagpapalabas.
Pinoy singers, musicians makikinabang sa pagbuhay ng Ermita
Good news para sa Pinoy singers and musicians ang sinisimulang pagbuhay muli ng Ermita-Malate o tourist district sa Maynila. Magbubukas muli ang mga night spots sa dating paboritong pasyalan ng mga local and foreign tourist alike.
Sa susunod na taon, magiging very busy muli ang mga kalye sa buong Ermita districts sa buong magdamag. Maraming mga negosyo ang mabubuhay muli at magbibigay ito ng maraming trabaho sa ating kababayan.
Siyempre pati mga Pinoy band, darami ang venues na tutugtugan at sisiglang muli ang Pinoy music scene.
Mutya ng Pilipinas winner na binawian ng korona inutusan ng korte na bayaran ng P2M ng organizers
Noon pa nabawian ng korona as Mutya ng Pilipinas 1997 si Esabela Cabrera pero kabababa pa lang ng desisyon ng korte na dapat bayaran siya ng organizers ng beauty pageant ng mahigit P2 million.
Pati ang nag-take over sa titulo na first runner-up na si Annie Moraga, pinagbabayad din ng korte. Sa kanya napunta ang dapat na cash prize ni Cabrera noong 1997. May natira pa kaya sa kanya na perang tinanggap? Kung wala, saan kaya siya maghahagilap ng pambayad?
Raymond kulang sa mga kasamang fresh at dynamic
Naka-tatlong Sabado na ang Showbiz Police sa TV5 pero wala ang mapanood na bagong sangkap na halos pinagsasawaan na sa mga usual showbiz talk show.
Hula ng mga propeta ng lagim, baka hindi maÂkaabot ng half season ang show nang nilipatan ni Raymond Gutierrez, matigbak bigla.
Fearless ang kanilang forecast kasi kasamang muli sa palabas si Cristy Fermin. Sa obserbasyon, kahit ng mga hindi manghuhula, lahat ng show sa sinalihan ni Fermin, naglalaho sa ere.
Inaabangan agad nila ang mga warning sign kung matitigbak agad ang Showbiz Police. Kapag iniÂlipat agad ng timeslot ang show, isa itong nakakakabang senyales.
Ang dapat kasing co-hosts ni Raymond sa show ay more dynamic and fresh personalities.
- Latest