^

Pang Movies

Sen. Kiko walang masyadong datung: Sharon hindi pa kayang mag-retire

- Vinia Vivar - Pang-masa

Kaagad na nag-react si Megastar Sharon Cuneta matapos ang privilege speech ni Sen. Jinggoy Estrada last Wednesday para ipagtanggol ang kanyang asawang si Sen. Kiko Pangi­linan hinggil na nadawit sa pork barrel scam.

Binanggit ni Sen. Jinggoy ang pangalan ni Sen. Kiko bilang isa umano sa mga senador na kuwestiyonable rin ang paggamit sa kanilang pork barrel o priority development assistance fund (PDAF) scam.

Kaagad na nagbigay ng reaksiyon ang Megastar sa kanyang Twitter account nang araw ding iyon upang ipagtanggol ang asawa. Ayon kay Shawie, magbibigay siya ng 10 million cash at iiwan niya ang mister kapag napatunayang ninakaw nito ang pork barrel.

“If anyone reading this can prove to me that my husband has stolen any amount from his PDAF in his twelve years as senator, I will give you P10 million in cash and I will leave my husband. That is how confident I am. Sorry, HINDI KAMI MAGNANAKAW,” she tweeted.

Sinabi rin niya sa kanyang tweet na puwede raw tanungin ang lahat nang pinagbigyan ni Kiko ng PDAF nito.

Nagpahaging din si Sharon na hindi sila tulad ng iba na ang pinakakain sa kanilang mga anak ay perang hindi sa kanila o hindi pinaghirapan. Aniya, hindi raw pare-pareho ang mga pulitiko.

Say pa ni Mega, kaya nga raw siya nagtatrabaho pa hanggang sa ngayon kahit gusto na niyang mag-semi-retire ay dahil ang meron lang ang mister niya ay law firm, farm, at investment sa ilang restaurants.

Kim magpapatawad sa magulang

Pagpapatawad at pagmamahal sa magulang ang mga aral na ituturo ng award-winning Kapamilya actress na si Kim Chiu ngayong Sabado (Setyembre 28) sa pagtatapos ng Wansapanataym Presents My Fairy Kasambahay.

Sa paglabas ng katotohanan tungkol sa kanyang tunay na ina, sasama ang loob ni Elyza (Kim) kay Lori (Angel Aquino) sa pag-aakalang hindi siya nito ipinaglabang makasama.

Tampok din sa Wansapanataym Presents My Fairy Kasambahay sina John “Sweet” Lapus, Joseph Marco, Miguel Vergara, Arnold Reyes, Peewee O’Hara, at Cecil Paz. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Arlene Tamayo at sa direksiyon ni Jerry Lopez Sineneng.

vuukle comment

ANGEL AQUINO

ARLENE TAMAYO

ARNOLD REYES

CECIL PAZ

JERRY LOPEZ SINENENG

JINGGOY ESTRADA

JOSEPH MARCO

KIKO

KIKO PANGI

WANSAPANATAYM PRESENTS MY FAIRY KASAMBAHAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with