Enrique sigurado agad ang kasunod na trabaho, Enchong at Julia tengga muna
When the top series Muling Buksan ang Puso comes to an end in two weeks, so far, it’s only Enrique Gil among the three young stars (the two others are Enchong Dee and Julia Montes) ang may sigurado ng trabaho.
Enrique plays the third party sa first moÂvie teamup nina Dingdong Dantes at Bea Alonzo, ang She’s the One, with Mae Cruz directing.
It’s Showtime host Coleen Garcia is introduced in the movie.
Wala pa parehong nakatakdang assignment, mapa-TV o pelikula, sina Enchong at Julia. Pero they are not the least bothered daw. What’s foremost in their minds is how to come up with effective performances sa mga nalalabi pa nilang eksena sa series.
All three of them, yes, including Enrique, consider working with icons Susan Roces and Christopher de Leon a most memorable experience, lalo sa parte ni Enchong. Na siyang pumapapel na anak ni Christopher.
Likewise, they have good words for their other co-stars Agot Isidro, Dante Rivero, Pilar Pilapil, Cherie Gil, and Jestoni Alarcon.
Jake lumipat ng eskuwelahan sa Singapore para mapalapit kay Andi
’Di na pala sa London, England nag-aaral si Jake Ejercito, anak nina former president now Manila Mayor Joseph Estrada and former actress Laarni Enriquez. Lumipat na raw ito sa Singapore at nag-enrol sa isang university na affiliate ng iskul na pinapasukan niya sa London.
Tuloy, marami ang nagtatanong kung ang dahilan ba ay si Andi Eigenmann, na diumano ay love of his life pa rin niya hanggang ngayon. Although may report din na nagkakagusto raw siya kay Coleen Garcia, na nali-link naman ngayon kay Billy Crawford.
’Di ba, at one time, na-link din si Andi kay Billy dahil napabalita ngang she caused the breakup between the singer and Nikki Gil?
Well, as we all know, absuwelto na si Andi sa kung anumang ugnayan nagkaroon sa dalawa. Klinaro na ito ni Billy mismo.
Sa kaso naman ni Jake, definitely, ’di raw totoo na may gusto siya kay Coleen. Kakikilala lang daw niya sa dalaga through her nephew Jolo, anak ng kanyang half-brother, si Sen. Jinggoy Estrada.
Ryan Cayabyab bilib sa mga nag-aakapela
Now here’s good news from no less than music icon Ryan Cayabyab, the brains behind the contest among a capella enthusiasts, specifically to a capella singing groups, who are, according to him, are fans of pitch perfect.
The announcement reads, ‘‘The submission of entries to the 1st Akapela Open has been extended to Sept. 28, 2013.
‘‘If you are a 3-12 member a capella singing group whose members are 18 years old and above, simply upload your performance video to the official website of the national competition, AKAPELA OPEN.com.’’
The competition is being presented by the Music School of Ryan Cayabyab, the PLDT Smart Foundation and One Meralco Foundation and the MeÂralco FounÂdation, in cooperation with the Philippine ChoÂral Directors Association and 105.1 Crossover.
Ruru pupukpukin na sa GMA 7
Decided pala si Direk Maryo de los Reyes na tulungang mag-succeed bilang artista cum singer si Ruru Madrid. Proof is the lead role he gave the 15-year-old star in his entry to the All Masters Edition of the Sineng Pambansa National Film Festival, ang Bamboo Flowers.
In fairness to the aspiring singer-actor, magagandang reviews ang natanggap niya sa kanyang performance sa Bamboo Flowers.
Malaki rin daw ang paniniwala nila ni Direk Maryo, na siyang tumatayong kanyang talent maÂnager, na ’di rin siya pababayaan ng GMA 7.
Mainstay si Ruru ng Sunday program na Sunday All Stars, where not only his talent bilang singer is enhanced, kung hindi ang dancing knowhow niya rin.
- Latest