Sikat na aktres na mabait tingnan umuusok pala ang bibig sa pagmumura pagtalikod ng mga tinutulungan
’Di raw kaaya-aya ang bibig ng isang sikat na aktres na maganda ang status sa mata ng mga tao — showbiz man o non-showbiz. Napakabait niyang tingnan. Maamo ang mukha at well-respected siya at ang kanyang actor husband.
Pero grabe raw palang magmura pagtalikod ng mga taong humihingi ng tulong sa kanilang mag-asawa. Nakangiti siya pero pagtalikod ng mga tinutulungan, umuusok ang bibig sa pagmumura. Gano’n?!
Vic parang hindi nangangarag
Maiinit na palakpak ang isinalubong ng madlang audience ng Who Wants to be a Millionare sa TV5 last Saturday, pilot episode nang nagbabalik na show, at of course ang game show master (bukod pa kay Edu Manzano) na si Vic Sotto.
Talagang na-miss natin si Bossing Vic. Kung sabagay, sa kanyang Eat Bulaga show sa GMA 7. Gano’n din ang naramdaman ng audience kay Vic.
Ang pogi kaya ng TV host-actor kahit ratratan na ang shooting ng pelikulang My Little BosÂsings! Star na star sila nina Ryzza Mae Dizon at Bimby Aquino Yap, Jr.
Teka, may kissing scene raw ang mga bagets? Pero okay lang dahil smack lang ’yun. Wala pang malisya. Ang may malisya ay kung meron din sina Vic at Kris Aquino.
Chapel ni Padre Pio dinarayo ng mga taga-showbiz
Sa Monday, Sept. 23, Feast Day ni Saint Padre Pio. Si Padre Pio ang santo ng mga may sakit at isa na kami roon sa mga sumasamo sa kanya sapul ng magkasakit kami, hanggang ngayon. Grabe! Pagagalingin ka niya basta manalig ka at maniwala. May chapel siya sa Libis, Quezon City near Eastwood.
Doon ko nakita ang aktres na si Mildred Ortega-Templo. Anak ni Mildred at ng asawang si Lt. Mitch Templo ang TV5 host ng isang show nila, si Atty. Mike Templo. Parehong devotee ni Padre Pio ang Templo couple.
Ang isa pang chapel ay matatagpuan sa Alaminos, Laguna. Ito ang first church na pinupuntahan namin nina Ethel Ramos, Veronica Samio, RoÂnald Constantino, Ricky Lo, and Ed de Leon. Si Rev. Fr. Dale Anthony Barretto Kho ang parish priest. Along the highway ito at madaling puntahan.
See you there! Gusto kong pumunta rin dito si katotong Chito Alcid para sa healing prayer sa sakit niya.
- Latest