^

Pang Movies

Habang nag-e-emote sa simbahan: FPJ nagparamdam kay Lovi

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sa presscon kahapon ng indie film ni Lovi Poe na Sana Dati ay ipinaliwanag ng aktres kung bakit nag-tweet siya na naghahanap siya ng simbahang bukas 24 hours.

Ayon kay Lovi, gusto lang daw niyang mag-emote dahil she felt burnt out at that time. Sobrang pagod na pagod na raw siya sa katatrabaho.

“Na-burn out lang ako, I’ve been working everyday. Everyday akong nagtatrabaho. So, medyo may mga misunderstanding lang. Burnt out, pagod lang talaga. I needed a break, so pumunta lang akong church,” kwento ni Lovi.

Sa St. Paul’s Church sa Timog daw siya nakapunta at nag-vent out lang daw siya.

“I was in the set nung time na ‘yun, pero wala pa, hindi pa ako kukunan, so I went there, nagsimbahan muna for a while, tapos nagdasal muna ako.

“And then, ‘yun nga, when I sat there, God has His way talaga to talk to you. Siyempre hindi naman Siya nagsasalita, pero in your head, parang nasasabi niya ‘yung mga answer,” kuwento pa ng dalaga.

Ang parang sagot nga raw ni Lord sa isip niya ay ang babaw ng problema niya.

“Ang pumasok sa utak ko is that, ang babaw naman ng ine-emote ko. And I was thinking of the Zamboanga (crisis), ang daming pumapasok sa utak ko, ang babaw ko (pala).

“Parang wala akong karapatang ma-burn-out and ma-feel stressed because a lot of people are going through so much more. So since then, after that, pinagdasal ko na lang ‘yung ibang tao,” she said.

Wala naman daw siyang problema sa ibang tao or sa katrabaho pero talaga lang daw napagod siya, idagdag pa raw na nagkasakit siya pero hindi pa rin siya puwedeng magbakasyon.

“So, ‘yun, pagod na pagod lang talaga ako as in I’m sick everyday but I still go to work. So medyo bumigay lang ako nung night na ‘yun. I cried, ganyan-ganyan.

“But then, ‘yun, I went to church and I realized that I just really have to take care of myself,  balance everything and I have no right to feel bad about what I’m going through kasi a lot of people are going through so much. ‘Yun ‘yung nasa isip ko while I was sitting there.

“And the best thing pa, nag-relax pa ako, I was about to leave, aalis na dapat ako, sabi ko, sige, stay muna ako for a moment. And then, nakita ko si Brother Ed, isang pastor na dati ko nang kakilala and friend niya ang daddy (the late Fernando Poe, Jr.), so na-mention niya si Papa, so I felt lighter na parang ginanun ako ng dad ko.

“So, naiyak ako, kasi parang ‘yun ‘yung time na parang sinasabihan siguro ako ng dad ko na “uy”, kino-comfort niya ako, and ‘yung mga words na sinasabi ni Brother Ed, talagang na-touch ako kasi perfect siya for that moment,” kuwento pa ni Lovi.

Kaya ngayon ay okay na raw siya.

Samantala, ang Sana Dati ang nanalong Best Picture sa Director’s Showcase Category ng Cinemalaya 2013 at Best Director naman si Jerrold Tarog. Ang GMA Films ang magre-release nito sa mga sinehan nationwide at mapapanood na starting on September 25.

Bukod sa Best Film and Best Director, nakuha rin ng movie ang Best Supporting Actor (TJ Trinidad), Best Sound, Best Original Music Score, Best Editing, Best Production Design, and Best Cinematography.

Aside from TJ and Lovi, kasama rin sa movie si Ria Garcia, Benjamin Alves, and Paulo Avelino.

Juan Dela Cruz malaki ang ipinasok na datung

If we’re to ask, ang Juan Dela Cruz ang pinaka-successful fantaserye ng ABS-CBN.

For the record, consistent sa pagiging number one ang JDC sa rating. Puwedeng i-check ang datos sa Kantar Media simula nang umere ito na never pang tinalo ang serye ng mga katapat na programa.

Bukod sa rating, ang balita namin ay malaki ang contribution ng JDC pagda­ting sa ad load ng ABS-CBN. Consistent sa pagiging loaded with commercials ang fantaserye ni Coco Martin.

Pati ang merchandise ng JDC ay hit na hit sa mga kids. At ang 2 volumes nito ay talaga namang patok na patok.

At napakarami rin talaga ang pumupuri sa ganda ng story, mounting at acting ng buong cast, magmula kay Coco, Erich Gonzales, Albert Martinez, Zsa Zsa Padilla, Gina Pareno, at Eddie Garcia, Shaina Magdayao and Martin del Rosario.

Pero ang talagang nagpahanga sa amin sa seryeng ito ay ang husay na ipinakita ni John Regala lalo na kapag sinasaniban siya ni Pheroah na ginagampanan ni Diana Zubiri.

Bongga si John na nagboboses-babae pa kapag ginagaya si Pheroah.

Of course, pinakamalaking credits din sa mga direktor na sina Direk Malu Sevilla, Avel Sunpongco, at Jojo Saguin.

Anyway, sa Oktubre na magtatapos ang JDC sa telebisyon and hopefully, by next year ay ang movie version naman nito ang kanilang gagawin.

 

AKO

ALBERT MARTINEZ

AVEL SUNPONGCO

BEST

BROTHER ED

JUAN DELA CRUZ

LANG

LOVI

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with