Aktor tinitiis na hindi landiin ang seksing aktres kahit kating-kati na
MANILA, Philippines - Umiiral pa rin paminsan-minsan ang kapilyuhan ng isang aktor sa babae. Although hindi naman siya tuwirang dumidiskarte sa isang seksing aktres, maligaya na siya kapag nakakasama niya ito.
Nagagawa na kasing magtimpi ngayon ng aktor pagdating sa babae. First and foremost muna sa kanya ang responsibilidad sa pamilya at sa trabaho. Ang seksing aktres man ang nagbibigay ng kulay sa panahon ng pagdadalamhati niya, pigil pa rin ang damdamin niya upang hindi na lumala pa ang problema.
May sabit din kasi ang seksing aktres kaya hanggang tingin at smile na lang si aktor, huh! Kesa nga naman mag-boomerang na naman sa kanya kapag panindigan niya ang paglalandi sa seksing aktres!
Chiz tanggap na ng tatay ni Heart, nanay nag-aalangan pa
Meron na raw peace of mind nga-yon si Heart Evangelista. Wala na ring nangahas umayaw sa kanya. No wonder, halata sa aktres ang sigla at ngiti lalo na’t meron siyang bagong progÂrama sa GMA, ang Magkano Ba ang Pag-ibig?
“Pero may umayaw sa akin, I think, I got this stage of my life na I developed my character and I know now how to stand up for myself! Ha! Ha! Ha!†pagmamalaki ni Heart.
Parang aral na aral na siya kay Senator Chiz Escudero, huh!
“Hindi, huh! Ha! Ha! Ha!†tanggi ng aktres.
Ibinalita rin ni Heart na kasama niya ang daddy niya earlier bago ang press launch ng bagong show. Eh, ang mommy niya?
“Okey naman!†maiksi niyang tugon.
Ano naman ang agreement nila ng parents niya pagdating sa sariling desisyon? Wala nang tutol?
“Wala naman. They just want me to be happy and do…Hindi naman sila tutol.
“And so now, they say na, ‘You know, just do what makes you happy!’ Very. Super!†rason ni Heart.
Lampas na ng isang taon ang relasyon nila ni Chiz kaya hindi na niya puwedeng sabihin na hindi siya happy.
“It’s not the length. The reason why ako…Longest ko is three years. I usually know what it is from the beginning.
“I don’t want to waste time anymore. But more or less, you know naman o hindi. Kaya naman eh. Wala naman akong nakikitang hindi maganda,†katwiran ni Heart.
Hindi naman nagprotesta si Sen. Chiz na si Sid Lucero ang kapareha niya eh natsismis sila ng aktor noon?
“Hindi siya seloso! Wala siyang pakialam sa damit ko! Wala, wala siyang anything. Hindi siya ganoon,†tugon niya.
Baka hindi siya mahal ni Chiz?
“Hindi! He’s just above that! That’s why I made the right choice!’ deklara ni Heart.
- Latest