^

Pang Movies

Buti na lang at laging handa ang abogado Claudine nadagdagan ang kaso!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Isa na namang bagong gulo ang dumating sa buhay ni Claudine Barretto. This time idenemanda naman siya ng dati niyang alalay na kinilalang si Dessa Candelaria Patilan. Iyong alalay na iyan ay unang ipinakulong ni Claudine noon pang Mayo dahil sa bintang na ninakawan umano siya ng mga alahas na nagkakahalaga ng walo’t kalahating milyong piso.

Nagsampa naman ngayon ng panibagong salaysay si Patilan na nagsasabing ang kanyang dating among si Claudine ang siyang nagnakaw sa kanya. Ipinalabas daw noon at mga kasamang kaibigan at pulis ang lahat ng kanyang mga gamit mula sa kuwarto mismo na tinutuluyan niya sa bahay ng aktres. Nang mailabas daw ang mga gamit, kinuha ni Claudine mula sa mga gamit niya ang isang tablet na nagkakahalaga ng tatlong libo, kasama ang memory card na nagkakahalaga ng liman­daang piso. Kinuha rin daw ang kanyang sim card na nagkakahalaga naman ng 50 piso. Tapos mula sa kanyang wallet kung saan nakatago ang kanyang naipong suweldo na umaabot sa 10,700 piso, kinuha raw ang lahat ng pera at binig-yan lamang siya ng 700 piso na sinabi pang “panggastos mo.”

Dahil doon, sinasabi ni Patilan na siya ang nanakawan ng mga gamit at pera na umaabot sa 13,550 piso. Iyon naman ang dahilan ng kanyang pagdedemanda kontra sa kanyang dating amo.

Hindi natin masabi kung ano ngayon ang totoo. Kung nagnakaw si Patilan ng alahas na nagkakahalaga ng walo’t kalahating milyong piso, mahirap dispatsahin iyon lalo na sa panahong ito na wala namang masyadong bumibili ng alahas, at batay sa paraan ng pagsasalaysay ni Patilan at ang mga sinasabi niyang gamit niyang nakuha ng aktres mula sa kanya, hindi naman klaseng maraming kakilala ang alalay na mga mayayaman na makakabili ng ganoong alahas. Nasaan ang mga alahas? Bakit naman sinasa­bing kinuha ni Claudine ang mga bagay na pag-aari ni Patilan?

Panibagong kaso na naman iyan. Pero si­guro nga ok lang dahil sabi naman niya ay full support sa kanya ang kanyang kaibigan at abugado sa ngayon na si Ferdinand Topacio. Tutal isang kaso lang naman iyan. Nagpaulan na nga sila ng kaso laban kay Raymart eh, hindi pa ba maisisingit ni Topacio ang isang kaso lang naman ng theft sa napakarami nilang asunto. Hintayin na lang natin kung ano naman ang magiging sagot ni Claudine sa bagay na iyan.

Piolo naiwan ni Gerald?

Ilang film reviews na ang aming nabasa na nagsasabing mukha raw inilampaso ni Gerald Anderson sa acting si Piolo Pascual sa pelikula nilang OTJ na hanggang ngayon ay palabas pa sa ilang mga sinehan. Sayang hindi namin napanood iyong pelikula. 

Kung napanood ninyo si Gerald doon sa serye niyang Budoy, lumabas na noon pa lang ang kanyang kahusayan bilang isang actor. Hindi isang male star lang si Gerald, actor iyang batang iyan. Eh si Piolo naman, hindi mo masasabing naka-graduate na doon sa kanyang matinee idol days, kahit na nga sabihing mong may edad na siya. Talagang kung ang makakasabayan nga niya ay kagaya ni Gerald, iiwanan siya.

Piyesta ng Santo Pedro Pio

Baka lang namin makalimutan pang ipaalala sa inyo, sa Lunes, Setyembre 23, at kapistahan ng mapaghimalang si Santo Padre Pio ng Pietrelcina. Sa Metro Manila, iyong chapel ni Santo Padre Pio ay nasa Libis, malapit lamang sa Eastwood. Mayroon ding isang chapel si Padre Pio kung saan magmi-misa naman ng alas otso ng umaga si Fr. Dale Anthony Barretto Kho, na siyang sumulat ng nobena sa santo, sa Lucena. Madaling makita ang chapel dahil may malaking image ni Santo Padre Pio sa harapan noon at along the highway lang naman. Mayroon pang isang chapel na magkakaroon din ng celebration sa Lunes doon sa Pagbilao, Quezon. Sana makadalo kayo sa mga pagdiriwang na iyan at magtamo ng mga biyaya mula sa Diyos sa pamamagitan ni Santo Padre Pio.

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

DALE ANTHONY BARRETTO KHO

KANYANG

LANG

NAMAN

PATILAN

SANTO PADRE PIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with