^

Pang Movies

DJ Mo at Bunny parehong pinanggalingan ng kakaibang sakit na naipamana sa anak

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ngayon lang namin nalaman na iyon palang anak ni DJ Mo Twister kay Bunny Paras ay talagang matindi ang kalagayan. Iba kasi ang kanyang naging sakit, na sinasabing namana niya sa kanyang ama at ina. Kung isa lamang ang may strain ng gano’ng sakit sa mga magulang, hindi magkakaroon ng gano’ng sakit ang isang tao. Ang sinasabi nila ay bihira ang nagkakaroon ng gano’ng klaseng sakit, mga isa lang sa bawat limampung milyong tao.

Actually, hindi namin naiintindihan talaga kung anong sakit iyon pero sinasabi nga nila na hindi tama ang balance ng isang taong may gano’ng sakit, mahihina ang mga muscle at buto at sinasabing hindi maiiwasan na pagdating niya ng mga edad 20, baka kailangan na siyang manatili sa isang wheelchair. Posible nga raw na may strain ng parehong karamdaman ang kanyang ama’t ina. Alam naman natin na may lahing Bumbay si Bunny dahil sa tatay nila. Iyon palang nanay ni DJ Mo ay Bumbay din. Kaya nga pala ang talagang pa­ngalan niya ay Mohan Gumatay. Kaya posibleng totoo nga na pareho sila ng aktres na nakuhanan ng kanilang anak.

Ngayon ang bata ay nasa pangangalaga pa rin ni Bunny. Minsan-minsan ay dinadalaw o hinihiram ni Gumatay pero kung natatandaan ninyo noon ay ikinaila pa niyang anak niya iyon at hindi nga ba’t noong pinuntahan siya ni Bunny sa bahay niya sa US ay nagtago pa siya at hindi pinagbuksan ng pinto ang dating karelasyon?

’Tapos panay pa ang moralize niya sa kanyang video na sinisiraan niya si Rhian Ramos dahil sa ginawa raw sa sana ay magiging anak nila. Eh bakit hindi muna niya pagsikapang maasikaso nang husto ang anak niya kay Bunny?

May iba raw naman silang mga kaanak at mga kaibigan na tumutulong kay Bunny para sa pagpapagamot ng kanyang anak. Hindi niya nabanggit kung tumutulong din si Mohan Gumatay.

Kita ng MMFF kabilang sa napupunta sa pork barrel

Nagulat kami nang malaman naming gano’n pala kalaki ang “social fund” o iyong pork barrel mismo ng presidente ng Pilipinas. Kaya pala ayaw niyang maalis ang kanyang pork barrel. Isipin ninyo sa PAGCOR lang pala ay P150 million na isang buwan ang idinadagdag sa social fund ng presidente, eh iyong iba pang sources, magkano na?

Kaya naisip namin, kung ayaw mang alisin ni Presidente Noynoy Aquino ang kanyang pork barrel, bakit kaya hindi na lang niya pabayaan ang Metro Manila Film Festival (MMFF) kasi isang bahagi ng kinikita nun ay kinukuha pa nila para sa kanyang social fund? Hindi gaya sa panahon ni dating Presidente Ferdinand Marcos na ang kinikita ng film festival ay ibinibigay na lahat sa MOWELFUND na para naman sa mga maliliit na manggagawa sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Showbiz gay tatanggapin pa ang bold actor na tinorotot ng misis kung babalik

Awang-awa ang isang kilalang showbiz gay sa isang dating bold actor na naka-affair niya noon nang malaman niyang iyon ay tinorotot pala ng asawa. Sumama ang asawa ng bold actor sa ibang lalaki at nagkaanak pa ng isa.

Awang-awa naman ang showbiz gay na nagsa­bing kung babalikan siya ng bold actor na tinorotot ng asawa, tatanggapin pa niya iyon. Kamote!

 

AWANG

BUMBAY

BUNNY PARAS

ISANG

KANYANG

KAYA

MOHAN GUMATAY

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with