^

Pang Movies

Aktor-aktoran nagdilim ang paningin nang makita ang flower ng matronang mahilig sa sex

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakita ko the other day ’yung tall, dark, and handsome na aktor-aktoran (kasi hindi nag-click) sa isang mall sa Quezon City. Lalong naging handsome. Naka-base na siya sa California with his wife and children. Iniwan niya ang showbiz dahil na-meet niya ang wife ngayon at nagpakasal sila at nag-migrate sa US. So, nagbabakasyon pala sila ngayon.

Ito ’yung kuwento ko na natipuhan siya ng isang rich lady na may business na hindi niya ipaghihirap. Naakit ang aktor-aktoran sa offer ng rich lady na susustentuhan siya at magli-live-in partners sila. Nagsama sila, sagana ang guy sa datung, alahas, at magagandang suot sa katawan. Pero wala pang three months ay give up na ang guy. Namamayat daw siya, sabi ng mga friends niya.

Eh kasi sobrang hilig pala ng matrona. Gusto lagi silang nakakulong sa bedroom at one time ay parang nagdilim ang mata ng guy. Iyon pala ay nakadagan na sa mukha niya ang ibabang parte ng matrona, walang saplot. Nagalit siya at nagbabu sa matrona!

Pero maaliwalas na ang kanyang mukha nang makita namin sa mall at kitang-kita na happy siya sa buhay may asawa. 

Billy naliwanagan na

Parehong naka-recover na sina Billy Crawford at Andi Eigenmann sa kani-kanilang love life. Sa dalawa, ang medyo naguguluhan pa rin ay si Billy. Pero napayuhan na siya at naliwanagan nang makapagbakasyon sa Amerika kahit sandali.

Mabuti na lang at pagbalik niya, ayan at nagpo-promote na siya ng bagong pelikula kasama sina Maricel Soriano, Andi, at Eugene Domingo.

May intriga pang si Andi ang dahilan ng breakup ni Billy kay Nikki Gil. Hindi totoo at natawa lang sila. Magka-partner lang sila sa Momzillas!

Cine Filipino filmfest nights dadaluhan ng mga sikat

Sa Sept. 18 ay mag-uumpisa na ang Cine Filipino na filmfest ng TV5. Binubuo ito ng walong full-length films at 10 short films. Sina Nora Aunor, Jasmine Curtis Smith, at Angel Aquino ang ilan sa mga sikat na artista na tampok sa mga pelikula na likha ng mga magagaling na young filmmaker na nagsisimula nang magpakilala.

Ginastusan ito ng PLDT, Smart, Media Guest Studios, at Unitel Entertainment at ka-partner ang Newport Cinemas ng Resorts World Manila (Pasay City), Lucky Chinatown Mall (Manila City), at Gateway Cineplex (Quezon City). Grabe, ang laki ng capital ng nasabing Cine Filipino!

Ang host sa gala night sa Sept. 18 at 7:00 ay mismong ang Newport Cinemas na ang pelikulang Puti ang ipapalabas. Sina Ian Veneracion at Jasmine ang bida rito, sa direksiyon ni Mike Alcazaren.

Sina Nora at Angel ay dadalo sa Sept. 20 na tinatawag na Special Friday ng Cine Filipino.

Sa Sept. 21 at 22 mapapanood ang selected film entries sa Cineplex Shangri-La Plaza Mall at iba pang sinehan from 5:30 p.m. to 6:30 p.m. at pagkatapos ng festival ay malalaman kung aling pelikula ang pipiliin para sa audience choice at best acting ensemble awards. Ang daming writers and directors at iba pang new talents sa movie-making industry ngayon, kabilang na ang mga artista na  puro young blood.

 

vuukle comment

ANDI

ANDI EIGENMANN

ANGEL AQUINO

BILLY CRAWFORD

CINE FILIPINO

NEWPORT CINEMAS

PERO

QUEZON CITY

SA SEPT

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with