Xian ‘gumimik’ nang aluking maka-date si Kim
May kuwento pa pala sa pag-i-invite ni Xian Lim kay Kim Chiu para maging date nito sa nakaraang Star Magic Ball. Talagang nag-effort pa pala ang aktor to make the invitation more meaningful at hindi ’yung basta nagsabi lang sa kanya.
Sa Kris TV ay ikinuwento ni Kim sa host na si Kris Aquino kung paano siya niyaya na mag-date. Pumunta raw si Xian sa bahay niya a night before the ball at sinabihan siyang lumabas dahil may ibibigay lang ito.
Paglabas ng young actress ay nakita niya si Xian na may hawak na malaking poster at nakalagay ang mga katagang “will you be my date?â€
Ipinoste ni Kim sa Instagram ang photo ni Xian holding the sign kaya marami ang kinilig. Say naman ng young actress, ginawa raw niya iyon dahil sayang naman ang effort ng rumored boyfriend.
Napatili nga si Kris when she saw the photo at say niya, effort kung effort daw talaga itong si Xian.
That night sa Star Magic Ball ay sina Kim and Xian ang napiling most fabulous pair lalo pa nga’t ang ganda-ganda naman talaga ng young actress sa suot niyang princess’ gown.
Say naman ni Kris, “Promise mo, last princess (outfit) na ’yan, ha? Sumobra kaya. Hindi ka tuloy mayakap ni Xian.â€
Nag-promise naman si Kim na last na ’yun kaya itinodo na niya.
Tuesday susubukan nang magmarka tulad ni Eugene
Matagal nang kinikilala si Tuesday Vargas bilang isa sa mga talentadong artista natin sa industriya pero ngayon lang talaga masasabing dumating ang pinakamalaking break niya sa pamamagitan ng pelikulang Ang Turkey Man ay Pabo Rin na isa sa walong pelikulang kalahok sa Cine Filipino Film Festival na siya ang bida and title role.
Sabi nga ng kanyang manager na si Olive de Jesus, nang i-offer daw sa kanila ito, hindi pa man nakikita ni Tuesday ang script ay umokey na agad ang komedyana. Bukod nga naman sa siya ang lead role ay kasama pa ang movie sa kauna-unahang Cine Filipino filmfest spearheaded by PLDT-Smart Foundation, MediaQuest, Studio 5, and Unitel Entertainment.
Sa press launch ng Cine Filipino Film Festival held recently sa Resorts World Manila sa Pasay City ay natanong si Tuesday kung sinusundan ba niya ang yapak ni Eugene Domingo na bumongga rin ang career at nagmarka pa ng bonggang-bongga sa indie film din na Ang Babae sa Septic Tank.
Ayon kay Tuesday, isang malaking karangalan para sa kanya ang maikumpara kay Uge.
“Marami rin kaming similarities sa galaw kasi parehas kami ng mundong ginalawan nung kolehiyo, mundo ng mga babaeng bakla, mga teatrong tao na nagsisigawan, ang ingay namin, ganung buhay. Masaya.
“So, kung ikukumpara ako kay Ms. Eugene Domingo, it would be an honor at susubukan ko na magkaroon din ako ng sariling marka at makilala ang pangalang Tuesday Vargas,†pahayag ng komedyana.
Sa pelikula ay ginagampanan ni Tuesday ang papel na Cookie na may karelasyong Amerikano played by Travis Kraft at iikot ang movie sa pagsasama nila kasama na ang cultural differences, miscommunications, at mga karaniwang problemang nararanasanan ng Fil-Am couple.
Kasama rin sa movie sina JM de Guzman at Julia Clarete mula sa direksiyon ni Randolph Longjas na siyang producer ng movie.
Ang Ang Turkey Man ay Pabo Rin ay may gala night sa Sept. 19 sa Resorts World Manila at 6:15 p.m. Mapapanood din ito sa regular run na sa Lucky Chinatown sa Binondo, Manila (Sept. 18, 20, 22, 24), Gateway Cinema sa Cubao, Quezon City (Sept.19, 21, 24), Resorts World Manila (Sept. 21 at 23), at EDSA Shangri-La Mall, Mandaluyong City (Sept. 22).
- Latest