Marian rarampa sa mga show ng ABS-CBN!
Ilang oras ding nag-stay sa office ng Star Cinema sa ABS-CBN Building sa Sct. Esguerra ang GMA’s Primetime Queen na si Marian Rivera, her first time na tumungtong doon.
Kasama niya si AiAi delas Alas at ang director at co-producer nila sa Kung Fu Divas. Pinag-usapan nila ang promotion ng movie na showing na sa Oct. 2 na iri-release ng Star Cinema. Abangan ang paggi-guest ni Marian sa isang show ng ABS-CBN to promote the movie. Pinayagan ng GMA management ang guesting na ito ng Kapuso actress.
Ibang pelikula sa Sineng Pambansa hindi natapos!
Hindi nakapag-showing ang Badil ni Chito Roño at ang Tinik ni Romy Suzara sa ginaganap na Sineng Pambansa Masters Edition pero sabi ay ihahabol din daw ito. Hindi alam kung tuloy pa rin ang Eman ni Direk Tikoy Aguiluz.
Nanghinayang ang isang director sa opportunity na ini-offer ng SM management sa kanila na for one week ay walang ibang pelikulang ipalalabas kundi ang mga galing sa Sineng Pambansa, hindi naman pala nila kayang makagawa ng copies ng entries nila. Kaya may mga SM Cinema, lalo na sa provinÂces, na hindi nakapagpalabas ng indie films dahil kulang ang copies. Kaya may mga cinema na ipinalabas na ang On the Job (OTJ).
Dalawang pelikula ni Joey magsasalpukan sa mga sinehan
May festival of movies ang mahusay na comedian na si Joey Paras simula sa Sept. 18. Wala raw naman siyang magagawa kung nagkasabay ang kanyang mainstream movie from Star Cinema at Viva Films, ang Momzillas na kasama niya sina Maricel Soriano, Eugene Domingo, Billy Crawford, at Andi Eigenmann, directed by Wenn Deramas, at ang commercial run ng movie nilang Babagwa na biggest hit nang ipalabas sa Cinemalaya International Film Festival last July na kasama naman niya sina Alex Medina, Nico Antonio at directed by Jason Paul Laxamana.
Biro pa niya sa presscon ng Babagwa, tulungan pa rin siya dahil may isa pa siyang movie na ipalalabas sa October, ang Bekikang. Very proud daw siya sa Babagwa dahil kasali ito sa international film competition sa Vancouver in Canada, Warsaw in Poland, at Hawaii next month.
- Latest