^

Pang Movies

Nakakuha nang mag-aalaga: Sharon ngayon lang naging masaya sa TV5

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi na itinago ni Megastar Sharon Cuneta na ngayon lang daw siya naging masaya na maging part ng TV5. Ang dahilan ay meron nang mag-aalaga sa kanila at iyon ay si Wilma Galvante na siyang bagong head ng entertainment division ng Kapatid Network.

Ngayon nga lang nagkaroon ng sigla si Sharon dahil ang mga sisimulan niyang shows sa TV5 ay ang mga gusto niyang gawin talaga: Ang musical show with Ogie Alcasid na The Mega and the Songwriter at ang teleserye na Madam Chairman.

Ikinuwento ni Shawie sa press launch ng mga weekend show ng TV5 na nagkaroon sila ng lunch meeting ni Ms. Wilma at nabanggit niya na gusto niyang gumawa ng isang musical show na magandang kasama niya ay si Ogie. The next day ay nabuo na ang concept para sa show nilang dalawa.

Naglambing pa nga raw ang Megastar sa lady executive na alagaan siya nang husto. Sagot naman ni Ms. Wilma ay gagawin niya iyon kaso ang paalaala lang niya kay Sharon na istrikto siya kung mag-alaga. Wala naman daw problema iyon para sa Megastar.

Ikinakatuwa ni Ms. Wilma ang unang pagkakataon niyang makatrabaho si Sharon. Kaya marami siyang naisip na mga show na puwedeng gawin at nasa kapasidad ng isang Megastar.

 â€œBigyan natin sila ng show na mag-e-excel silang lahat. Like si Sharon, kilala siya as a singer kaya bigyan natin siya ng show where she can be herself and the fans will watch her dahil siya ‘yung Sharon Cuneta na kilala nila,” sabi ng TV5 exec.

Bukod sa show ni Sharon, magsisimula na sa Sept. 14 ang mga bagong weekend show na What’s Up Doods ni Edu Manzano, Pinoy Explorer ni Aga Muhlach, Killer Karaoke ni Michael V., Wow! Mali Pa Rin ni Joey de Leon at Mr. Fu, Showbiz Police nina Lucy Torres-Gomez, Raymond Gutierrez at Jose Javier Reyes, Who Wants to be a Millionaire ni Vic Sotto at Tropa Mo Ko Unli nina Ogie, Gelli de Belen, Wendell Ramos, Tuesday Vargas, Edgar Allan Guzman, Alwyn Uytingco, Ritz Azul, Eula Caballero, at ang Artista Academy stars.

Isabelle maraming beses napagalitan ni Direk Joel

Kung meron mang eksena na nagpahirap kay Isabelle Daza sa pelikulang Lihis ni Direk Joel Lamangan, iyon ay ang mga eksenang wala siyang makeup.

Sinabihan kasi siya ng direktor na kailangan ay wala siyang kolorete sa kabuuan ng pelikula para maging credible siya sa kanyang role bilang isang teacher na nag-imbestiga sa isang naganap na massacre na naging biktima ang kanyang ama at ninong.

 â€œSanay akong maglagay ng makeup. You will never see me go out na hindi made up. I need my eyelashes, lipstick, and blush. Kaya noong sinabi ni Direk Joel na, ‘Belle, I don’t want you to put makeup.’ Mas doon ako na-challenge,” sabay tawa niya.

Pinag-aralan nang husto ni Belle ang mga dialogue ng kanyang mga eksena. Malalalim daw ang mga Tagalog kaya inabot siya ng ilang takes sa ilang mga Tagalog word.

“Ilang beses nga akong napagalitan ni Direk Joel kasi umaabot ako sa more than four takes sa isang eksena. Si Direk Joel pa naman he wants you to get it sa unang take pa lang. Kapag umabot na ng three takes naiirita na siya. Kaya just imagine how mad he gets kapag ako na ang kinukunan,” tawa niya ulit.

 â€œBut as we go on I was getting better at my Tagalog. In fairness naman sa akin, may mga scene naman na one take lang ako. Doon ay sobrang happy na si Direk sa akin.”

Hindi nalalayo si Belle sa unang karanasan ng kanyang inang si Gloria Diaz noong una itong sumabak sa pelikula via Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa in 1974. Hindi magaling magsalita ng Tagalog si Gloria dahil sa Visayan accent niya kaya hirap na hirap sa kanya ang film director na si Celso Ad Castillo.

Pero isang award-winning actress na ang Miss Universe at iyon ang gustong matularan ni Isabelle sa kanyang ina.

Prison Break star na bading naisip magpakamatay

Inamin ng Prison Break actor na si Wentworth Miller na sinubukan niyang mag-commit ng suicide noong teenager siya dahil hindi niya maamin ang kanyang pagiging bakla.

Kelan lang inamin ng hunk actor na isa siyang gay nang sumuporta siya sa isang protesta laban sa mga anti-gay sa bansang Russia.

Sa isang speaking engagement para sa Human Rights Campaign sa Seattle, Washington ikinuwento ni Miller ang kanyang tangkang pagpapakamatay.

 â€œThe first time I tried to kill myself I was fifteen. I waited until my family went away for the weekend and I was alone in the house and I swallowed a bottle of pills.

 â€œI don’t remember what happened over the next couple days but I’m pretty sure come Monday morning I was on a bus back to school pretending everything was fine.

 â€œAnd when someone asked me if that was a cry for help I say no because I told no one,” pahayag ng poging Hollywood TV star.

DIREK JOEL

ISANG

KAYA

MEGASTAR

MS. WILMA

NIYA

SHOW

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with