^

Pang Movies

Pero mga pinamimili nabubulok lang: Aktres na dating walang pambili ng pagkain, shopaholic na ngayon

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Ang bansag sa isang sikat na aktres, shopaholic o addict sa shopping. Kahit punung-puno na ang lahat ng cupboard sa kanyang kitchen tuloy ang pamamakyaw ng imported canned goods at mga mamahaling, masasarap na groceries.

Ang himutok ng kanyang mga kasambahay, kahit na mag-expire ang kanyang mga stock sa bahay, hindi naman nila maaaring kainin. Baka mapalayas silang bigla ng mataray na artista. Buti kung marunong kumain ang mga cabinet sa kusina.

‘‘Puro pang-display ang kanyang mga pinamili,’’ say ng isang katulong. ‘‘Kahit siya naman ay hindi matakaw kaya nasasayang lang ang pera niya.’’

Noon kasing struggling actress pa lang ang shopping queen, deprived siya sa mga bagay na gustung-gusto niyang kainin. Bumabawi ang artista ngayon pero wala na siyang ganang magpakabusog sa kanyang mga pinamili.

12 directors mag-aagawan sa isang karangalan sa Sineng Pambansa

Ang malapit nang simulan na Sineng Pambansa All Masters Edition ng Film Development Council of the Philippines ay pawang nagpapalabas lang ng mga pelikulang gawa ng mga batikang filmmaker. Walang competition sa filmfest kaya walang bibigyan ng award.

Isang karangalan lang ang naghihintay sa labindalawang directors na kasali, ang Viewers Choice, na ibibigay sa topgrosser sa screenings sa lahat ng mga SM Cinema sa buong bansa.

Dulce inaalagaan si Susan Fuentes hanggangsa huling sandali

Hanggang sa yumao ang queen of Visayan songs na si Susan Fuentes ang kanyang kaibigan at kapwa Cebuanang si Dulce ang nag-alaga.

Namatay si Susan sa edad sa 58.

Ang sabi ni Dulce, gustong humingi ng tawad ni Susan sa kanyang mga anak, bago siya namatay.

Top favorite ni Direktor Lando Jacob si Susan Fuentes kaya ang version ng world class performer ng Usahay, Rosas Pandan, at Si Filemon, Si Filemon ay nakasama pa sa soundtrack ng pelikula ng scripwriter/director.

One of her most memorable recordings is the original version of Miss Kita Kung Christmas which Sharon Cuneta revived.

Paolo malakas ang laban sa The Voice Ph

Habang papalapit ang grand finals ng The Voice of the Philippines talent contest, higit na tumitingkad ang personalidad ni Paolo Onesa na maaaring maging grand winner.

Sa mga natitirang singer sa timpalak, si Paolo ang tanging star material. Maaari siyang maging singing idol kahit hindi siya belter, tulad ng ibang tiyak na kasali na sa huling yugto ng talent search.

Isang malakas niyang katunggali ay si Mitoy, na kahit anong kanta ang binanatan, namumukod tangi. Pero siyempre mananaig ang text votes, at ibang botong padala ng mga viewer at ng kanilang mga supporter.

While it is true that Paolo is not the best singer in the list of contestants, he has the strongest appeal and the most likely to succeed. Malaki rin ang porsiyento ng score ng coches na sina Lea Salonga, apl.de.ap, Bamboo, at Sarah Geronimo na lahat naman ay mataas ang mga markang bigay kay Onesa.

Pelikula ni Direk Laban kaisa-isang nakalusot sa Harlem filmfest sa New York

Ang pelikulang Nuwebe ni Joseph Israel Laban ang tanging Pinoy entry na kasali sa competition ng Harlem International Film Festival sa New York City on Sept. 11-15.

Magkakaroon din ng screening ang indie film sa Palazzo delle Esposizioni sa Rome, Italy on Sept. 13-15.

Daring scenes ng limang lalaki inaabangan kung makakalusot sa MTRCB?!

Inaabangan ng mga kafatid ang Gigolo, directed by Ronald Rafer, na magsisimula ang playdate bukas, Sept. 11.

Karamihan ay mga ’di kilala o mga bagong artista ang gumanap sa Gigolo, tulad nina Mygz Molino, Rob Sy, Michael Fidelis, Christoff Ken, at Kissy Babes. Isang sugar mommy ang papel ng beterana ng indie film na si Carla Varga.

Makalusot kaya ang mga daring scene sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB)?

CARLA VARGA

CHRISTOFF KEN

DIREK LABAN

ISANG

SI FILEMON

SUSAN FUENTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with