Matapos ma-dengue: Ryan kinapitan naman ng pneumonia
Maganda, no hysterics ang kuwento ng Ano ang Kulay ng mga Nakalimutang Pangarap (What are the Colors of Forgotten Dreams?) na sinulat at idinirek ng premyadong direktor na si Jose “Joey†Javier Reyes para sa kanyang Largabista Entertainment at GMA Films. Isa ito sa mga kalahok sa Sineng Pambansa All Masters Edition Film Festival sponsored by the Film Development Council of the Philippine (FDCP) and the SM Cinemas.
Tampok ang mahuhusay na arÂtistang sina Ms. Rustica Carpio, Bobby Andrews, JackieÂlou Blanco, at Ryan Agoncillo. Kasama rin sina ChynÂna Ortaleza. Alwyn UyÂtingco, Madeleine Nicolas, Kalila Aguilos, at ang paboritong young star ni Direk Joey, GMA’s Kim Rodriguez as the young Rustica Carpio. Saludo kami kay Ms. Carpio na at 84 ay nagtuturo pa pala siya sa PUP-Sta. Mesa. Sinasamahan lamang siya ng kanyang secretary at hindi siya tumanggi kay Direk Joey to play the role of a yaya (nanny) kahit may mga eksenang kailangan niyang maglakad nang malayo at abutin ng early morning shoot.
Bago ang special screening sa GMA Films preview room, sinabi ni Direk Joey na pansinin namin na walang umiyak sa story, gusto niya ang mga manonood ang umiyak sa mga eksenang mapapanood nila. True story ito ng yaya ng kapitbahay nila.
Kami, personally, hindi naiwasang umiyak dahil hindi lamang ito basta story ng isang yaya, kunÂdi kung paano siya naging loyal sa kanyang mga piÂnagÂtrabahuhan. Ang kinita niya ay naipadala lamang niya sa mga kaanak niya sa probinsiya. Hindi rin siya nag-asawa kaya mag-isa na lamang siya. Ito ang problema ng magkakapatid na Bobby, Jackielou, at Ryan dahil ipagbibili na nila ang malaking bahay at babalik na sila abroad, kung ano ang gagawin kay yaya. Masakit pa, ayaw tanggapin ang matanda ng mga kamag-anak niya dahil mahihirap din sila. Open-ended ang movie.
Isang eye-opener ito sa mga maÂnonood na tiyak na makaka-relate kung sila ay tulad ng mga amo o ng yaya. Hindi pa nga tapos ang preview, umiiyak na kami at nagtagumpay si Direk Joey na paiyakin ang mga unang nakapanood ng pelikula. Sa Lunes, Sept. 9, 7:00 p.m. ang gala showing ng movie sa SM Megamall Cinema 7, open ito sa public for free. Magsisimula itong mapanood simula sa Sept. 11 to 17 in all SM Cinemas nationwide.
Natanong namin si Noel Ferrer kung makaka-attend si Ryan sa premiere night, hindi siya sure dahil pagkatapos gumaling sa dengue ng aktor, nagkasakit naman ito ng pneumonia. Kaya sa tanong namin kung sa GMA Network na talaga lilipat si Ryan, sagot niya ay malalaman daw kapag gumaÂling na si Ryan at puwede nang makipag-meeting.
Ang nabanggit sa amin ni Noel, balik-radyo siya simula ngayong Sabado, 12:00 noon to 3:00 p.m., sa 106.7 Energy FM, sa kanilang Showbiz RamÂpa na fresh showbiz news ang mapapakinggan ng mga listener.
- Latest