^

Pang Movies

Gerald naka-commit sa mga anak ng sundalo

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Hanga kami sa mga artistang matulungin sa kapwa lalo na ’yung may foundation at aktibo sa kawanggawa.

Isa na rito si Gerald Anderson na may Hero Foundation na tumutulong sa mga anak ng mga yumaong sundalo para sa kanilang pangangailangan at pagpapaaral.

Kris aligaga sa anak

Hindi mapapasubaliang mapagmahal na ina si Kris Aquino sa mga anak na sina Joshua at Bimby. Ngayong pumasok na ang bunsong anak sa showbiz at may pelikula na sa darating na Metro Manila Film Festival ay lubhang maasikaso si Kris. Umamin siyang stage mom dahil mas excited pa sa anak at laging ipinagmamalaki na cute na cute ang bunso.

Si Kris ang personal na naghahanda para sa kasuotan na mga sapatos at damit sa tulong ng wardrobe consultant na si Liz Uy. Nakaagapay itong lagi sa anak pagdating sa kilos lalo na noong unang nag-meet sina Bimby at Ryzza Mae Dizon.

Kahit sa pagpipiktoryal ay lagi pa ring nakaalalay sa anak si Kris at sinasabing ngumiti at ipakita ang dimple.

 Binigyan ng regalo ni Bimby si Ryzza Mae at sinabing ipakikilala sa kanyang tiyuhing si President Noynoy Aquino.

MWWF may public service awards na

Natupad ang pangarap namin sa Movie Writers’ Welfare Foundation (MWWF) na magkaro’n ng public service awards na tinawag naming Gintong Palad. Magkakaloob ng parangal sa mga artista o taong mula sa iba’t ibang sector ng lipunan na nakakatulong sa ating kapwa.

Marami na ang mga artistang gumagawa nito hindi lang ’yung may foundation kundi ’yung iba ring celebrity na nagbabahagi ng tulong lalo na sa mga kapuspalad. Sa halip na magdaos ng bonggang birthday party ay mas gusto pa nilang makapiling ang mga kapuspalad at nagpupunta sa mga batang may kanser para pasayahin sila o sa mga Home for the Aged para aliwin ang matatanda.

Pinagpapala ang mga ganitong klase ng tao, ’di ba?

vuukle comment

ANAK

BIMBY

GERALD ANDERSON

GINTONG PALAD

HERO FOUNDATION

KRIS AQUINO

LIZ UY

METRO MANILA FILM FESTIVAL

MOVIE WRITERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with