^

Pang Movies

Ryzza Mae nanalong best talk show host, mga beterano pinataob

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Congratulations to Ryzza Mae Dizon, who won the best talk show host sa katatapos na EdukCircle Awards 2013 ng International Center for Communications. At eight years old, si Ryzza Mae ang pinakabatang talk show host sa pamamagitan ng kanyang The Ryzza Mae Show daily sa GMA 7 bago ang Eat Bulaga. 

Kahapon, pinatunayan niyang mahusay nga siyang host kahit nag-nosebleed siya sa pag-interview sa napiling look-up contestant, si William from the United States. Most of the time, English ang interview ni Ryzza Mae at hindi siya nagpakita ng takot kay William, tulad din nang hindi siya takot harapin ang mga guest sa kanyang show, kahit sino pa sila. Dala niya kahapon ang kanyang EdukCircle trophy na nagpasalamat siya sa mga bumoto sa kanya.

Kasamang nanalo ni Ryzza Mae ang mga Kapuso from News & Public Affairs, sina Jessica Soho, most outstanding female journalist of the year; Ms. Mel Tiangco, most outstanding TV personality; Arnold Clavio, most outstanding male journalist of the year; at si Jose Manalo, most outstanding TV personality in comedy.

Lj binubuhay na mag-isa ang anak?

“Ano namang masama kung nakita kaming mag­kasama ni JC (de Vera), ilang beses ba iyon, saka may iba naman kaming friends na kasama?” balik na tanong ni LJ sa mga nagtanong sa kanya kung sila na ba ngayon ni JC. â€œWala talaga. Friends lamang kami ni JC. Ma­tagal na kaming magkakilala dahil marami rin kaming nagawang project noong nasa GMA Network pa siya. Dapat bang maging issue iyon?”

Work at ang three-year-old son niyang si Aki ang focus ngayon ni LJ. Matagal-tagal na rin siyang walang regular soap pero hindi naman siya nawawalan ng project sa GMA. Ginawa niya noon ang docu-drama na Bayan Ko with Rocco Nacino sa GMA News TV at kasama pa rin siya sa season two nito. Regular din siyang napapanood sa Sunday All Stars.

Nag-pictorial na sila ng buong cast ng bago         niyang soap sa GMA, ang Prinsesa ng Puso Ko na she will play Kate, love triangle sila nina Aljur Abrenica at Kris Bernal sa romantic-comedy/light drama series na ididirek ni Dondon Santos at mapapanood simula sa Sept. 23, bago ang 24 Oras.

Excited silang magsimula ng taping dahil ito ang first soap that will be shot in full HD (o high definition) using five DLSR cameras. Thankful siya sa bagong project na tatagal ng 16 weeks. Alam daw ng Diyos na kailangan niyang kumita dahil sa anak. 

Natanong tuloy siya kung hindi ba sinusuportahan ni Paulo Avelino ang anak nila. Say niya, may support naman si Paulo kay Aki pero kailangan pa rin niyang magtrabaho. May mga offer sa kanyang indie films pero naghihintay siya ng mas magandang script tulad ng huli niyang ginawa na Intoy Syokoy na nominated siya sa best actress category noon sa Cinemalaya International Film Festival.

AKI

ALJUR ABRENICA

ARNOLD CLAVIO

BAYAN KO

CINEMALAYA INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

DONDON SANTOS

RYZZA MAE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with