Aktres na makapamilya at may takot sa Diyos, hindi nagpagalaw sa boyfriend
MANILA, Philippines - Hindi pala nagpagalaw ang isang aktres sa dating boyfriend kaya naman tinabangan ang huli rito. Eh palibhasa malapit sa pamilya at may takot sa Diyos kaya napigilan ng aktres na bumigay sa gusto ng boyfriend na aktor.
Pero kapag titingnan mo ang aktor, para bang walang malisya sa katawan. Bihira kasing magkaroon ng showbiz girlfriend at napaka-safe ’pag nagsasalita tungkol sa babae.
’Yun pala may kakaiba ring init na taglay ang aktor. Kaya nang hindi bumigay sa gusto ng dyowang aktres, kinalasan niya ito’t natagalan bago sila nagkabati. Although nagkabati naman, matabang na ang babae sa aktor.
Sheena inaming wrong guy si Rocco
Idinipensa ni Sheena Halili ang tatay ni David Remo, ang child actor na kasama niya sa Binoy Henyo. May mga tsismis kasing nagdi-demand na diumano ang father nitong si Don Remo pagdating sa oras ng trabaho ng anak.
“Mabait naman siya sa akin. Kaya lang alam kong uwian na ’pag dumarating. Hahaha! ’Yun lang ’yun. Bakit? ’Yun naman talaga, ah?
“Eh siyempre ang bata, ilang oras lang talaga dapat magtrabaho. Eleven or twelve? ’Pag pagod na ang bata…Hindi naman katulad naming matatanda na. Siyempre ’yung bata, uunahin. Kami ’yung ihuhuli. Ganoon ’yon,†paliwanag ni Sheena nang makausap ng press sa taping.
Eh paano ‘yan, meron na raw Lovi Poe si Rocco Nacino? Deserved naman ni Sheena na maging happy, ’di ba?
“Oo pero hindi ko naman kailangan ng guy para maging happy. Ako, sinisiÂgurado ko. For me, ang pakikipagrelasyon, hindi naman basta-basta kahit kanino. Basta lang maging masaya, ’di ba? Gusto ko namang maging happy,†sambit pa niya.
Ipinagdarasal raw niya kay God na kapag na-meet niya ang lalaking ’yon, sana right time at right guy.
Meron bang wrong guy?
“Meron kaya nga hindi nag-work kasi wrong guy,†tugon ni Sheena.
Kasama ba sa pakikipagrelasyon niya ang pag-amin ng lalaki sa relasyon nila?
“Ako naman kasi, sa ganyang…’Yun naman sa past ko, hindi naman sila nagtago eh. Ako naman ang nagsabi na ayoko ng pino-front. Mas gusto ko ’yung totoo kesa sa showbiz. Sige kung mag-love team tayo i-front mo pero sa totoong buhay, kahit ano ang itago natin, makikita naman nila ’yan eh. Hindi naman kailangang ipakita kung saan kami pumupunta at kung ano ang ginagawa. Basta ako, importante, ’yung totoo,†paliwanag ni Sheena.
Eh ano naman ang masasabi niya sa tsismis na pinagsabay daw sila ni Lovi ni Rocco?
“Ay tanungin ninyo siya. Hindi ko alam. Alam ninyo, ayoko na lang magsalita tungkol diyan. May mga bagay na hindi na kailangang sagutin pero alam ninyo ang sagot, ’di ba?†deklara ni Sheena.
- Latest