Swimsuit competition sa Miss World hindi na ipalalabas
Siniguro ni Cory Quirino, ang pageant director ng Miss World Philippines, na hindi masasayang ang mga naging effort ni Megan Young dahil tuloy na tuloy ang Miss World 2013 pageant sa Indonesia.
May kumalat kasing report na may isang official mula sa Indonesia’s National Human Rights ang nag-oppose na itanghal ang Miss World pageant sa kanilang bansa dahil ayon sa kanya ay nakaka-offend daw ang paligsahan sa kanilang kababaihan. Pagkatapos ay pinapa-cancel na ito ng religious affairs minister ng Indonesia na si Suryahharma Ali.
Pero sa ipinadalang statement ng Miss World PhilipÂpines at ng Miss World CEO na si Julia Morley, all systems go para sa kanilang pageant.
“We have not received any word from Miss World organizers in London (England) that the pageant is not pushing through so we’re just going about our usual routine,†say pa ni Ms. Cory.
Nabanggit din ni Ms. Cory na imbes na bikini ang isuot ng mga candidate, magsusuot na lang sila ng Balinese sarongs para makaiwas lang sa anumang gulo sa naturang bansa na ang majority ay mga Muslim.
Pero magkakaroon pa rin daw ng isang Beach Beauty competition pero one-piece swimsuit na ang ipinadala kay Megan Young.
“There will be private judging for the competition so this will probably be not shown on TV anymore,†sabi ni Ms. Cory.
Malaki ang bilib ng pageant director kay Megan dahil perfect package siya para maiuwi na ng Pilipinas ang korona ng Miss World.
“I believe she is one of the strongest candidates for Miss World this year. She’s beautiful, she’s intelligent, and she’s very graceful and poised when she walks the fashion runway.
“She’s also athletic and excels in sports which is good because Miss World has a sports competition.
“And of course, Megan is also very genuine. She speaks from the heart and her answers are not scripted, which is what Miss World president Julia Morley likes,†paliwanag pa ni Ms. Cory.
Sa online voting ay currently number two si Megan para sa title na People’s Champion. Marami na raw mga bagong follower si Megan na magpaparami ng boto para sa kanya.
Magkakaroon ng magandang send-off para kay Megan ngayong Tuesday, Sept. 3, patungong Despasar in Bali, Indonesia via Philippine Airlines. Ang flight ng actress turned beauty queen ay scheduled at 6:00 p.m.
Steven kuntento kahit hindi leading man
Kuntento naman daw si Steven Silva sa mga project na ibinibigay sa kanya ng GMA 7.
Kasama siya sa primetime series na Akin Pa Rin ang Bukas pero si Rocco Nacino ang leading man ni Lovi Poe at binigyan pa ng title na Kapuso Prime Leading Man.
Marami ang nag-react para kay Steven dahil siya ang tinanghal na winner ng StarStruck 5 at si Rocco ay second runner-up lang, pero si Rocco ang may mga sunud-sunod na mga project mapa-TV man o pelikula.
Say naman ni Steven, handa siyang maghintay pa ng big break niya mula sa kanyang home network.
Grammy winner na si Harry Connick, Jr. ikatlong judge sa AI
Nakapili na ng ikatlong judge ang American Idol Season 13 at ito ay ang pianist-singer-actor na si Harry Connick, Jr.
Makakasama ng three-time Grammy winner sina Jennifer Lopez at Keith Urban sa simula ng bagong season ng singing contest sa January 2014. Pero magsimula na ang auditions ngayong Sept. 3.
Ang mga unang inalok sa puwesto bago si Connick ay sina Dr. Luke at will.i.am ng Black Eyed Peas.
Nakailang beses na ring naging guest si Connick sa American Idol bilang mentor at performer. Pero kung aalukin daw siya bilang judge, he is more than willing to accept the offer.
The 45-year-old performer has sold 25 million albums worldwide and earned more No. 1 albums than any jazz musician in the US Jazz Chart History.
Lumabas si Connick sa mga pelikulang Memphis Belle, My Dog Skip, Independence Day, Bug, P.S. I Love You, New in Town, at Dolphin Tale. Sa TV naman ay naging part siya ng cast ng Will & Grace, Living Proof, at Law & Order: Special Victims Unit.
- Latest