^

Pang Movies

Drama actress na nagpi-primadonna walang nagawa nang supalpalin

SO..CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi napigilan ang TV director na ikuwento sa ilang kaibigan ang kanyang hindi magandang karanasan sa katrabaho niyang drama actress ngayon.

Masyado raw siyang pinahirapan  at ang buong cast. Para lang hindi na umabot sa mahabang diskusyon, ang management na lang ang pinakausap niya sa drama actress para sila na ang gumawa ng paraan. Umiiral pa rin kasi ang pagiging primadonna nito. Isa ito sa mga bagay na nais iwasan ng TV director para maging maayos ang flow ng kanilang taping.

May demands kasi ang drama actress na nakasanayan na niya noon pa. Pero pinaliwanagan siya ng management na tapos na ang mga panahon na iyon. Marami ng mga bagong artista at masuwerte siya’t nabig­yan pa siya ng pagkakataon. Kaya dapat lang na siya ang makisama.

Pinagbigyan na nga lang siya ng management dahil nakiusap ito na bigyan siya ng project dahil kinakapos ito financially.

Tinanggap naman siya pero sinabihan siya na ma­kisama dahil kaya siyang alisin sa project kung nakita na nilang malaki na itong problema sa produksiyon.

Fil-Am na pumalpak na sagot sa Miss Philippines USA, pinagtatawanan sa Youtube

Hit na hit  sa YouTube at sa iba’t ibang entertainment blogs sa buong mundo ang naging palpak na sagot ng isang Fil-American candidate na si Joanlia Lising (#13) sa question and answer portion sa ginanap na Miss Philippines USA 2013 sa La Mirada, California.

Noong Aug. 18 pa naganap ang naturang pageant pero kelan lang ito lumabas sa E! Online, ang entertainment website ng programang E! sa Hollywood.

Umabot na nga sa higit na 245,000 hits ang videos mula nang maging viral pagkatapos ng pageant.

Isang licensed practical nurse graduate si Joanlia Lising na taga-Hayward, California. Ang Fil-American host na si Cher Calvin ang siyang nagtanong kay Joanlia sa nabunot nitong question sa isang basket.

Ang tanong: “Among the five senses, what do you prefer to have if you could only have one? And why?”

Heto ang naging sagot ni Joanlia: “Thank you for that wonderful question. If I have to pick out of five senses, I would pick seeing. Because seeing is the best sense that we can ever see, because seeing is believing.

“And believing into what you see is perfect. And, uh, out of all those senses, seeing... would... really... be wonderful, because... Thank you. That will be it.”

Hindi napanalunan ni Joanlia ang korona at titulo at hindi rin siya naging runner-up. Dahil sa tinatawag nilang “cringe-worthy” moment, hinilera na siya sa ibang pageant candidates na nagkalat dahil sa kanilang palpak na sagot sa Q&A portion.

Sa tagal sa industriya Liza ngayon lang nakatrabaho si Direk Laurice

Ang original role pala ni Liza Lorena sa bagong primetime series ng GMA 7 na Akin Pa Rin ang Bukas ay ang role ni Gloria Romero. Noong mag-resign si Helen Gamboa sa series ay si Tita Liza ang ipinalit at kinuha naman si Tita Glo para sa role na iniwan niya.

Ngayon nga lang niya na-realize na first time niyang makakatrabaho si Direk Laurice. Never pa siyang nakatrabaho as an actress or as a director.

“I was looking back nga sa mga nagawa kong mga pelikula and TV shows. Never ko nga palang naka­trabaho pa si Laurice. I mean, I know her and we see one another sa mga showbiz events, pero ilang taon na kami pero ngayon lang pala kami magkakatrabaho.

“Kaya I was so happy to really work with her kasi ang alam ko she has worked with the likes of Vilma Santos, Hilda Koronel, Lorna Tolentino, and Gina Alajar. Ngayon, makakahilera ko na sila because I had this chance to work with such a wonderful director,” sabi ng character actress.

Suki na rin ng Kapuso Network si Tita Liza at ang mga huling nagawa niyang teleserye sa bakuran ng GMA 7 ay Legacy at Hindi Ka na Mag-iisa.

“Palipat-lipat naman ako. My last show was Apoy sa Dagat sa ABS-CBN. Kapag may magandang role naman, tinatanong ako agad ng GMA if I am available because they want me for this role. Nataon na libre ako and nagawa ko itong Akin Pa Rin ang Bukas. Ang maganda pa ay na-elevate pa ang role ko to the primera contravida of Lovi Poe,” proud na sabi ng beteranang aktres.

Kapag wala namang trabaho masyado si Tita Liza ay abala siya sa kanyang tatlong apo. Dalawa kina Tonton Gutierrez at Glydel Mercado at isa sa anak niyang babae na si Wednesday Palanca.

 

vuukle comment

AKIN PA RIN

ANG FIL-AMERICAN

DIREK LAURICE

JOANLIA

JOANLIA LISING

LANG

MISS PHILIPPINES

SIYA

TITA LIZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with