^

Pang Movies

Hindi lang naman siya ang hindi naagnas: Pagbabalita sa hindi naaagnas na bangkay ni Claudia Zobel ginagawang kontrobersiyal

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

OA naman ang reaksiyon ng ibang tao nang matagpuang hindi pa naaagnas hanggang ngayon ang bangkay ng dating sexy star na si Claudia Zobel matapos ang 30 na taon. Natawa kami sa isang TV report, inilabas din nila ang interview sa medico legal na nagsasabing nangyayari talaga ang gano’n lalo na sa Pilipinas. Maski na nga ang sepulturero nagsabing may iba pa silang nahukay na gano’n eh.

Pero ang nakakatawa sa TV reporter, ang sabi ay wala pa raw statement ang simbahan tungkol sa natuklasan sa bangkay ni Claudia Zobel.

Ano ang gusto niyang palabasin? Milagro iyon? Na maaaring isang santa ang dating sexy star? Nakakatawa kung minsan ang mga ganyang klase ng pagbabalita na ginagawa nila para maging kontrobersiyal lamang ang kanilang mga istorya. Iyan ang kuwentong kutsero talaga.

Dating mag-asawa labu-labo na sa korte: Raymart may mga ebidensiya rin laban kay Claudine

Talaga naman daw inaasahan na ni Raymart Santiago ang demandang isinampa laban sa kanya ng dating asawang si Claudine Barretto na sa kabila ng isang gag order ay nagbigay ng statement sa media at nagpakita pa ng kanyang mga picture na supposed to be ay may mga pasa at sugat na kagagawan daw lahat ni Raymart. Naisip ni Claudine ang pictures, noong sinasabi niyang sinaktan siya diumano ni Raymart, pero hindi niya naisip na magpa-medico legal para sana mas naging matibay ang kanyang ebidensiya.

Pero napapangiti na lang ang aktor at sinabing mayroon din siyang hawak na mga ebidensiya. Hindi sinabi ni Raymart kung anong klaseng ebidensiya iyon.

Maraming sinabing abuse si Claudine, na nang magsampa ng demanda ay sinamahan pa ng isang non-government organization. Pero ang hindi namin maintindihan ay kung ano iyong sinasabing financial abuse. Ibig bang sabihin ay kinuha ni Raymart ang pera niya o hindi siya binibigyan ng pera?

Bale dalawang taon na halos walang trabaho, ibig sabihin ay walang sariling kita si Claudine. Siguro nga nabubuhay na lang siya sa mga naipon niya noong kumikita pa siya at ewan kung ano nga ba ang iba pa niyang pinagkakakitaan sa ngayon. Pero sa loob ng dalawang taon, makikita mong parang masama ang loob niya sa mundo. Pati ang mga kapatid niya ay nakakaaway niya, kaya nga watak-watak ngayon ang kanilang pamilya.

Pero nagsampa pa lang naman siya ng kaso. Hindi pa natin alam kung ano ang kalalabasan ng kaso at kung hanggang kailan tatagal. Sa sinabi rin ni Claudine, pinangakuan din naman siya ng pelikula ni Vic del Rosario “pagkatapos ng mga kaso,” kaya maitatanong mo rin kailan pa iyon?

Ikinaila na rin naman ng Star Cinema ang sinasabi niyang may gagawin siyang pelikula sa kanila kasama si Piolo Pascual.

Ikakalat dahil nag-aaway na: Actor-model nakunan ng sex video ng karelasyong bading

May nagbabanta pa raw na isang Internet scandal, at sinasabi nila, iyan naman ay sa pagitan ng isang showbiz gay at isang actor-model. Walang kamalay-malay ang actor-model na naibi-video pala ng showbiz gay ang kanilang escapades sa pamamagitan lamang ng cell phone.

Ngayong mayroon yata silang hindi napagkasunduan, nagbabanta na ang gay na ia-upload ang video sa Internet. Patay!

vuukle comment

CLAUDIA ZOBEL

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

ISANG

PERO

PIOLO PASCUAL

RAYMART

RAYMART SANTIAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with