^

Pang Movies

Naki-join na sa kampanya ‘Scrap the pork’ - Dingdong

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naglabas ng statement si Dingdong Dantes kaugnay ng issue sa pagtanggal ng pork barrel. Mahaba pero malaman ang pahayag ng aktor na inilabas ng manager niyang si Perry Lansigan sa kanyang Facebook account:

“I therefore join the Filipino people in calling for the scrapping of the pork barrel and oppose its revival and mutation to any other form.

“Ang kay Juan, kay Juan. Nasaan ang inaasahang kaban ng bayan?

“As our martyr, former Senator Ninoy Aquino said, ‘Stand up now and be a leader!”

 Kahit malapit si Dong  kay President Noynoy, hindi naging hadlang ‘yon upang suportahan ang sigaw ng bayan sa pagtanggal ng pork barrel ng ating mambabatas. Naging saksi kasi siya nung bagyong Maring sa sinapit ng ating kababayan.

Sa pamamagitan ng kanyang Yes Pinoy Foundation na fourth anniversary na, nagsagawa siya pati mga kasamahan, ng special mission sa San Rafael, Rodriguez, Rizal. Nagbigay sila ng boats, bags, school supplies, raincoats, life vests, at solar powered lamps sa estudyante ng Casili Elementary School.

Naging katuwang din ni Dong ang girlfriend na si Marian Rivera sa relief operations ng foundation sa mga pamilya ng informal settlers sa Pasay City.

Iprinodyus ni Boyet ineendorso ng arsobispo

Inendorso ni Socrates Villegas, archbishop ng Lingayen, Pangasinan ang musical/stageplay na Lorenzo. Ito ang unang venture ng Green Wings Entertainment Network, Inc. na pinamumunuan ni Christopher de Leon. 

Hindi nga lang si Boyet ang magbibida sa play kundi ang anak ni Leo Martinez na si Lorenz Martinez. Pero ang batikang si Maestro Cayabyab ang mamamahala sa musika at si Nonon Padilla naman ang magi ng director nito.

Sa mensahe ni Archbishop Villegas, “Every Filipino must watch this. It sets our sense of patriotism afire again as we hear Lorenzo declare ‘I am a Filipino…I am a Christian…’

“I encourage our Catholic faithful to watch the musical play and spread the news about it to our friends. The Year of Faith 2013 prepares us for the Year of the Laity 2014. Watching Lorenzo is a great way to strengthen our faith and take pride in our call from God to be saints.

“Lorenzo the musical is inspiring. It is uplifting. It is challen­ging. It is Spirit inspired.”

Mapapanood ang Lorenzo sa SDA Theater of De La Salle College of St. Benilde sa Sept. 5, 6, 7, 12, 13, and 14. Next year, sa Cultural Center of the Philippines na ipalalabas.

Ang Lorenzo ang pagkakaabalahan muna ni Christopher habang hindi pa siya nagsisimula ng taping sa bagong teleserye sa Channel 2 na pagbibidahan nina Angel Locsin at Jericho Rosales.

 

ANG LORENZO

ANGEL LOCSIN

ARCHBISHOP VILLEGAS

BOYET

CASILI ELEMENTARY SCHOOL

CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES

DINGDONG DANTES

EVERY FILIPINO

LORENZO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with